Chapter 422Nadarama pa rin ni Shuvee ang hubog ng mga kalamnan sa palad niya. Totoo ang mga iyon, buong-buo ang buhay, at tila tumitibok pa nga sa kaniyang hawak."Nandito ka ba talaga? Totoong ikaw na 'yan, 'di ba?" tanong niya habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang mukha.Ang kasagutan na matagal na niyang gustong makuha ay isang bagay na hindi pa kayang intindihin ng labimpitong taong gulang na si Azrael. Napatitig lang ito sa kaniya nang walang nagawa."Oo, nandito ako," sagot nito sa kaniya.Nang makita niyang umiiyak na rin ito nang tuluyan, kumuha si Shuvee ng tissue at inabot ang mukha nito upang punasan ang mga luha."Nandito lang naman ako palagi, eh. Hindi naman ako umalis. Ikaw lang 'tong ayaw nang humahanap sa akin," mahinang sabi nito.Umiling-iling si Shuvee.Hindi 'yun ang sagot na gusto niyang marinig. Hindi niya pa rin mahanap ang totoong sagot."Azrael, hindi ko na mahanap 'yong sagot..." pag-iyak niya habang bulong sa sarili na hindi na rin niya ito ma
อ่านเพิ่มเติม