LOGINSiyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze
Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-
"Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw
"Anong dapat irespeto sa taong ginagamit ang edad para mambully ng iba?"Nagpakawala ng malamig na tawa si Jade. "Magalang na nga ang pagtrato ko sa kanya nang ganyan."Naalala niya noon, sinadya siyang ikulong ni Dorothy sa isang storage room at hinayaang magutom at mauhaw buong araw. Nagbalat ang kanyang labi sa dehydration. Pero ang mas masakit ay dahil sa insidenteng yun ay hindi siya nakapunta sa isang mahalagang dance competition—isang pagkakataong hinding-hindi na niya mababawi kailanman.Siyempre ay hindi yun gagawin ni Dorothy nang mag-isa. Tauhan ito ni Xianne at sumusunod lang ito sa utos nito. Pero ang isang sipsip na tulad niya ay kailangang maturuan ng leksyon. Ang sobrang pagtitimpi ay nagbibigay lang ng lakas ng loob sa kanila para maging mas mapangahas.Dati ay naging mabuti si Jade kay Dorothy. Pero nung bumalik si Xianne ay agad itong bumaliktad at naging tau-tauhan ng tunay na anak para pahirapan siya sa bawat pagkakataon.Heh.Sa tuwing naaalala niya ang lahat ay
"Jade, nagkataon lang na narinig kita mula sa labas. Hindi ako nakikinig sa usapan niyo. Sino ba sa tingin mo ang kaharap mo?" Muling sumabog ang galit ni Vince at lalong naging agresibo ang boses nito. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit nakikipag-ugnayan ka pa rin kay Ezekiel!” "At bakit hindi?" balik na tanong ni Jade habang bakas ang pagkapagod sa boses. Namula ang mga mata ni Vince sa tindi ng emosyon. "Umaasa ka pa rin ba kay Asher? Fiancee na siya ni Xianne. Narinig mo naman kagabi na magkasama sila. Pinapayuhan kita na sumuko ka na! Wag mong isiping magagamit mo si Ezekiel para makalapit ulit kay Asher." Nagpakawala ng isang mapait at hindi makapaniwalang tawa si Jade. "Mr. Guevarra, nawawala ka na ba sa sarili mo? Bakit ko nanaising makuha ang lalaking nagamit na ni Xianne? Nakakadiri!" "Ikaw! Paano mo nagagawang pagsalitaan nang ganyan si Xianne? Mula ngayon ay lumayo ka kay Ezekiel! Kahit dahil pa yan kay Asher o sa kahit anong rason ay wala kang dapat







![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)