Nasa backstage kami ng Velvet Frames preview show para sa prestihiyosong Manila Fashion Week. Sobrang hectic ng paligid, punong-puno ng mga hairstylists, makeup artists, at mga kapwa ko modelo na nagmamadaling magpalit. Ito na ang pinakamalaking fashion campaign ko, at alam kong nakatutok ang buong high society pati na rin ang media dahil sa partnership namin sa Severin Hotels. "Shan, five minutes na lang, ikaw na ang mag-oopen ng show," paalala ng floor manager habang may hawak na headset at clipboard. "Okay, ready na ako," sagot ko habang humihinga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Suot ko ang centerpiece ng collection namin—isang eleganteng ivory white silk gown na may intricate beadwork sa likod. Ako mismo ang nagdisenyo nito kasama ang team ko sa Bulacan. Patalikod na ako sa salamin para maglakad patungo sa entrance ng runway nung biglang lumapit si Denise, ang mukha niya ay putlang-putla at halatang natataranta. "Shan, oh my god, wait! Huwag ka munang lalabas!" pig
Magbasa pa