Mag-log inSamantalang ang quadruplets ay maagang naglaro sa bakuran. "Wait... Time out... Nakakapagod," hingal na wika ni Gia sabay upo niya sa lupa. Napuno ng kanilang tawanan ang bakuran. Sa kanilang kakatakbo mula kanina ay pare-pareho na silang umupo ngayon sa lupa habang kaharap ang isa't isa. "Oi... Alam niyo ba sana magkaroon na tayo ulit ng bagong kapatid," mahinang bulong ni John sabay tawa. "Psh... Basta nagwagi si Dad," natatawang aniya pa ni Juliana. Sabay appear pa nilang apat. Tuwang-tuwa at excited ang quadruplets na magkaroon ng bagong kapatid. Sa gitna ng kanilang pag-uusap. Biglang may sumitsit sa kanila galing sa pintuan ng bakuran. Lahat sila ay napatingin doon. Hanggang sa makita nila si Daryll. Agad napatayo ang kambal at tumakbo papunta kay Daryll. Binuksan nila ang pintuan at pinapasok si Daryll. "May dala akong mga pagkain. Gusto niyo ba? Masarap ang luto ni lola. Siya gumawa ng biko na 'to," masayang offer agad ni Daryll at pinakita ang dala niya. Tuwang
Nakakalungkot man ang kwento ni Aleng Klara. Nabuhay naman si Daryll ng may lakas na loob at may pagmamahal. Maingay nga na bata at tila'y medyo pasaway. Kaya siguro masaya ang anak ko na kasama siya. "Ahm, ganito na lang Aleng Klara. Gusto mo bang dalhin namin ang bata sa syudad? Narinig din naman natin na gustong-gusto niyang makapunta doon. Siguro naman magiging masaya ang bata kapag maranasan niya 'yon. Tsyaka hindi siya pababayaan ng mga anak ko at namin ni Jeff," nakangiting offer ko. Nagulat si Aleng Klara sa sinabi ko. "Nakakahiya naman Grace. Baka maging pasaway lang si Daryll doon," nahihiyang sagot niya. "Huwag ka po mahiya. Ayos lang naman sa amin ang lahat. Tyaka nakikita mo naman masaya din ang mga anak ko sa kaniya," aniya ko pa. "Malaki na rin ang naitulong ni Jeff sa amin. Sa lugar na 'to. Kaya nahihiya talaga ako kung kukunin niyo pa ang apo ko. May tiwala naman ako sa inyo lalo na kay Jeff." Kita ko pa rin ang pagiging mahiyain niya. Nakangiti at hindi mak
Matapos maayos ang hapag-kainan tinawag na rin ni Jeff ang mga bata. Masaya naman silang dumating. "Hi Juliana," nakangiting wika ng batang lalaki sa anak ko. "Hello Daryll, nagkita na tayo ulit," nakangiting tugon din ng anak kong si Juliana. Sa kaka-alam ko kanina hindi naman nagpakilala ang batang lalaki kanina. Pero Daryll pala ang pangalan niya. Kaso lang paano nalaman ng anak ko? "Daryll kilala mo na ang mga kapatid ko 'di ba? Tapos mga kapatid ko, mommy, daddy si Daryll po pala. Bagong kaibigan ko na rin po siya dito. Mabait po siya," proud na proud na tugon ni Juliana. Nakakatuwa naman na malaman na may naging kaibigan na ang anak ko dito. "Hello Daryll, mabait din kaming mga bata kaya gusto ka rin namin maging kaibigan," wika pa ni Gia. Dahilan na mas lalo kong napangiti. Marunong silang makipagkaibigan sa ganyang edad nila. Ang naalala ko noon sa park may naka-away silang batang lalaki. Si Dustin yata ang pangalan. Nakalimutan ko na rin. Basta naalala kong pamangk
GRACE SANTIAGO POINT OF VIEW "Ang ganda ng singsing. Ang cute nito. Mula rin sa araw na ito. Ibig-sabihin ay mag-fiance na tayong dalawa. Maraming salamat Jeff dahil hinintay mo ako," malambing kong wika kay Jeff. Walang alinlangan akong napasandal sa dibdib ni Jeff. Habang dinadamdam ang pagmamahal naming dalawa. "Mommy, Daddy." Boses ni Gerald na sumingit. Agad na nakuha ng bata ang atensyon namin. Natutuwa ako na tinawag na niyang Daddy ang ama niya, sa wakas naman mukhang tanggap na niya. Ang cute naman ng anak ko may dalang mga magagandang bulaklak. "Hmm, Gerald. May kailangan ka ba?" mahinahon na tanong ni Jeff. Malungkot ang mukha ni Gerald at tila'y may pag-aalinlangan. "Hali ka kay Daddy." Hinawakan ni Jeff si Gerald. Pina-upo niya ang bata sa binti niya. Pinagmamasdan ko lamang sila habang nilalambing ang isa't isa. "Hindi naman galit si Daddy. Hinihintay lang ni Daddy na tanggapin ako ni Gerald. Anak naiintindihan kita. Hindi ko man sabihin sa akin. Ramdam ko na
JULIANA POINT OF VIEW Naglalaro kami dito ng mga kapatid ko. Pero si Gerald namitas ng mga bulaklak. Nakakatuwa siyang tingnan. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan dahil si Gia lang naman ang mahilig mamitas ng mga bulaklak. "Sandali lang John at Gia. Kayo na muna ang maglaro. Kausapin ko lang si Gerald ah," mahinang bulong ko sa kanila. Napatingin din sila kay Gerald at mahinang napatawa. "Sige, dito lang kami ni Gia. May gagawin kaming maliit na robot gamit ang mga batong 'to." Hinawakan ni John ang bato na galing sa lupa gano'n din si Gia. Kaya naman agad na akong umalis sa kanila. Walang alinlangan akong lumapit kay Gerald. "Anong ginagawa mo? Gusto mo ba ang mga 'yan? Gusto mo bang tulungan kitang mamitas ng mga bulaklak?" mahinahon kong tanong sa kapatid ko. "Sa tingin mo ba Juliana magugustuhan ito ni Daddy?" pag-aalala niya. "Wow, tinawag mo na siyang Daddy." Hinimas ko ang kaniyang buhok. " Syempre, magugustuhan 'yan ni Dad. Buong puso mo naman 'yan ibibigay k
"Ahm yes po aleng Klara mga anak ko itong mga bata at asawa ko naman ang katabi ko," sagot ni Jeff sabay hawak sa bewang ko. Kanina pa ako pinapakilig ni Jeff. Plus point talaga siya sa akin. Mabuti na lang talaga hindi niya kami tinanggi. "Hello po aleng Klara ako po si Grace Santiago. At ito naman po ang mga anak ko. Si Gia, Juliana, Gerald at John po," masayang pagpapakilala ko. "Santiago? Wow ibig-sabihin pala galing kayo sa mayamang pamilya? Kung sa bagay hindi na rin naman ipagtataka dahil mayaman si Mr. Jeff. Pero bakit ganyan ang kasuotan niyo? Ang simple na parang tulad lang din namin na mahihirap," aniya pa ni aleng Klara na may ngiti sa labi. "Ahmm aleng Klara mabuti pa pumunta kayo mamayang gabi sa bahay. Sa ngayon kasi gusto ko munang ipasyal ang pamilya ko sa lugar na 'to. Tiyak akong magugustuhan nila dito," tugon ni Jeff. Ngumiti naman ang ale at tumango. Matapos ay agad silang tumabi gano'n din ang ibang tao. Maayos kaming nakapaglalakad ng malaya sa lugar
JULIAN POINT OF VIEW Agad kaming nagtungo sa Sant Hotel. Pero hindi pa rin nagbabago. Tulad pa rin ng dati na hindi kami basta-basta nagpapakita ng mukha. Kaya may suot kaming mask. Nang makapasok kami sa hotel deretsahan kaming nagtungo sa office. Ang pribadong opisina namin. "Magandang gabi
JEFF POINT OF VIEW Narito na ako ngayon sa Sant hotel. Kasama ko si Dwane."Bro, sana naman tigilan ka na ng ama mo. Masyado siyang makulit sa 'yo," bungad agad sa akin ni Dwane nang makababa kami sa kotse."Kahit ilang beses ka niya akong kulitin sa pagpapakasal kay Lisa, hindi pa rin naman ako
GRACE POINT OF VIEW "Anak, huwag ka na muna mag-isip ng kung ano-ano. Mabuti pa mga anak, magpahinga muna tayo. Tapos, mag-order tayo ng food. Kahit paano may natirang pera ka naman si mommy. Kaya, mag order na kayo ng gusto niyong kainin, okay?" nakangiting sambit ko sa mga anak ko. "Okay po mom
GRACE POINT OF VIEW "Wow." Sabay sabay na banggit ng mga anak ko. Ramdam ko sa boses nila ang tuwa at excitement. "Ang ganda naman po dito. Ang laki ng hotel. Ang cute po dito mommy," aniya pa ni Juliana. "Maganda nga. Pero parang ang sama ng ugali ng ibang taong naririto," dagdag pa ni Gerald







