مشاركة

KABANATA 110

مؤلف: CESSYPRINCE
last update تاريخ النشر: 2026-06-24 09:37:21

Aella's POV

Kinabukasan, hindi ko na kayang umasta na parang walang nangyari kagabi. Habang naghahanda ako ng almusal sa kusina ng Unit B, panay ang sulyap ko sa pinto ng sala kung saan iniwan ni Zion ang kaniyang briefcase bago lumabas saglit sa may garden para sumagot ng isang tawag.

Mas lalo akong nababalisa dahil sa mga narinig kong bulong niya sa kwarto ni Luna.

Para pakalmain ang sarili ko, binuhat ko ang baso ng juice para dalhin sana sa kaniya sa labas. Pero nung papalapit na ako
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 205: Backstory XVII ❤️

    Aella's POV Lumipas ang pitong buwan nang napakabilis. Sa aming maliit na bahay sa bundok, transformed na ang dating bakanteng sulok ng kwarto ko. Nakalagay na doon ang isang simpleng wooden crib na gawa ng aming kapitbahay. Nakatayo ako sa harap ng salamin habang dahan-dahang hinahaplos ang aking malaking tiyan. "Aella, apo," tawag ni Lola habang pumasok sa kwarto dala ang isang baso ng gatas. "Inumin mo muna ito. Masyado kang nagpapakapagod sa pag-aayos ng mga gamit ng bata." Kinuha ko ang gatas at ngumiti sa kaniya. "Okay lang po, La. I just want everything to be ready. Gusto ko, paglabas ni baby, maayos na ang lahat." "Napakagandang bata ng lalabas dyan sa tiyan mo," malambot na sabi ni Lola habang nakatitig sa akin. "Kamukhang-kamukha ka noong sanggol ka pa." "Sana nga po sa akin magmana," mahinang bulong ko habang nakatingin sa maliliit na damit ng baby na nakatupi sa mesa.

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 204: Backstory XVI ❤️

    Aella's POVIlang linggo matapos kong tanggapin na hindi na kailanman babalik si Zion, nagsimula akong makaramdam ng kakaibang pagod at palaging pagkahilo tuwing umaga. Sa simula, inisip ko na baka puyat lang ako mula sa overtime sa bodega o sa matinding stress dahil sa pagkakasakit ni Lola. Pero nang lumipas ang pangalawang buwan na hindi ako nagkakaroon ng regla, nagsimula nang lumakas ang kaba sa aking dibdib.Nakatayo ako sa loob ng maliit na banyo ng aming bahay, nakatitig sa dalawang pulang linya na lumabas sa pregnancy test kit na binili ko sa botika.Nanginginig ang aking mga daliri habang hawak ang maliit na plastic. Napasandal ako sa basang pader ng banyo habang dahan-dahang napapaupo sa sahig. Buntis ako. Dalawang buwan na akong nagdadalang-tao sa anak ni Zion Monteverde."Aella, apo? Okay ka lang dyan sa loob?" tawag ni Lola mula sa labas ng pinto. "Bakit napakatagal mo?"Mabilis kong itinago ang test kit sa loob ng aking buls

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 203: Backstory XV ❤️

    Aella's POVBago tuluyang isara ng kaniyang secretary ang pinto ng luxury SUV noong umagang iyon, ginamit ni Zion ang kaniyang natitirang lakas para hawakan ang gilid ng bintana. Tumingin siya nang diretso sa akin, ang kaniyang mga mata ay puno ng matinding emosyon at paninindigan."I’ll come back for you, Aella," sigaw ni Zion habang unti-unting umaandar ang sasakyan. "I promise you, babalikan kita!"Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa kaniya bago tuluyang nawala ang convoy sa kurbada ng kalsada.Naniwala ako sa kaniya. Buong puso kong pinanghawakan ang pangakong iyon dahil kilala ko ang lalaking nakasama ko sa maliit naming bahay. Alam ko na ang Mister na nagmahal sa akin ay hindi isang taong mabilis makalimot.Kaya naghintay ako.Araw-araw, matapos kong tulungan si Lola sa bahay at bago ako pumasok sa bodega sa gabi, nauupo ako sa lumang papag sa balkonahe. Pinagmamasdan ko ang madilim at tahimik na kalsada ng bund

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 202: Backstory XIV ❤️

    Aella's POVNakatayo pa rin ang pamilya ni Zion sa loob ng maliit naming bakuran habang ang mga security detail ay nakapalgid sa buong kanto. Ang makina ng dalawang malalaking SUV ay patuloy na umaandar, nagpapakawala ng usok sa malamig na hangin ng umaga. Hawak ng dalawang doktor ang mga braso ni Zion habang sinusubukan siyang alalayan patungo sa nakatagilid na pinto ng sasakyan."Zion, son, please get inside the car," pakiusap ng kaniyang ama na si Eduardo habang nakahawak sa pinto. "You need proper medical evaluation. We already booked the private floor at the hospital in Manila. You have to leave right now.""Wait, Dad, hold on," giit ni Zion habang pumipiglas sa hawak ng mga doktor.Nanghihina pa rin ang kaniyang katawan at may kaunting panginginig ang kaniyang mga binti, pero pilit niyang itinutulak ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Tumingin siya pabalik sa pintuan ng aming bahay kung saan ako nakatayo."I can't just leave like t

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 201: Backstory XIII ❤️

    Aella's POVNapakapayapa ng umaga sa aming maliit na bahay. Nakatayo kami ni Mister sa tabi ng kalan habang nagluluto ako ng scrambled eggs at sinangag. Nakatayo siya sa likod ko habang nakapatong ang kaniyang baba sa balikat ko, nangingialam sa paghahalo ng kanin gamit ang kaniyang sariling kutsara."Mister, lumayo ka nga kaunti," natawa ako habang pinapalo nang mahina ang kamay niya. "Baka matapon 'yung ginagawa ko, lagot tayo kay Lola.""I am just helping my chef," pang-aasar niya sabay halik sa pisngi ko. "Saka mas masarap daw ang almusal kapag may kasamang pagmamahal.""Naku, naku, ewan ko sa iyo," napapailing na lang ako pero hindi ko maikakaila ang ngiti sa aking mga labi.Pero bago pa man natin maihain ang pagkain sa mesa, biglang nabulabog ang buong kapaligiran. May maririnig na sunod-sunod na malalakas na lagutok ng mga pinto ng kotse sa labas ng aming bakuran. Ang matinding ingay ng mga makinang humihinto sa putikan ay mabilis

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 200: Backstory XII ❤️

    Aella's POV Pagpasok ng gabi, mabilis na lumamig ang simoy ng hangin sa paligid ng aming maliit na bahay. Tahimik na ang buong bakuran at nakatulog na rin si Lola sa kaniyang silid matapos uminom ng gamot. Naiwan kaming dalawa ni Mister sa sala habang nakaupo sa lumang banig na nakalatag sa sahig. Ang tanging liwanag lang na nagbibigay ng ilaw sa amin ay ang maliit na lampara sa tabi ng bintana. Nakatitig siya sa akin habang dahan-dahan niyang iniaabot ang kaniyang kamay para hawiin ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa aking mukha. Ang kaniyang mga daliri ay napakalambot at puno ng pag-iingat, na parang ayaw niya akong masaktan kahit sa pinakamaliit na paraan. "Aella, okay ka lang ba?" mahinang tanong niya habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. "Medyo tahimik ka nitong mga nakaraang oras." Tumingin ako sa kaniya at umiling nang dahan-dahan. "Masaya lang ako, Mister. Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rin

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 2

    Aella's POV Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na paghinga ng malaking aso. Dahan-dahan, itinaas ko ang aking tingin. At doon, literal na napatitig ako. Ang description ng ahente, at ng mga kapitbahay at pakiwari ko'y kulang p

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 1

    Aella's POV “Luna, dahan-dahan! Huwag kang tumakbo, baka madapa ka!” Huli na ang babala ko. Sa isang kisapmata, matulin nang tumatakbo ang tatlong taong gulang kong anak patungo sa nagtataasang halaman sa gilid ng garahe. Bitbit ko ang dalawang plastic ng grocery sa magkabilang kamay, habang an

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 5

    Aella's POV Eksaktong alas-otso ng umaga, habang abala ako sa pagpapasok ng mga basang labada sa washing machine, narinig ko ang sunod-sunod na katok sa aming pinto. Tok! Tok! Tok! “Mommy! May bisita tayo! Ang cookies ko andyan na!” malakas na tili ni Luna mula sa sala. Patakbo siyang lumapit sa

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 4

    Aella's POV Kinabukasan, maagang nabulabog ang umaga ko dahil sa sikat ng araw na pumasok sa bintana at sa walang tigil na pangungulit ng aking anak. “Mommy, gising na po! May mission tayo ngayon!” yugyog ni Luna sa balikat ko habang nakaluhod sa gilid ng kama ko. Alas-siyete pa lang ng umaga. K

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status