Mula sa likuran nila, tahimik silang pinagmamasdan ni Fiona. Alam niyang mahaba pa ang paglalakbay na haharapin nina Astrid. Hindi mawawala agad ang pangungulila, at hindi rin magiging madali ang bawat araw ng paggaling ni Astrid. Ngunit may nagbabago.Unti-unti nang natututuhan ni Astrid na magsalita sa halip na sarilinin ang kaniyang sakit. Natututuhan ni Xavian na hindi niya kailangang akuin ang lahat nang mag-isa. At si Ashton, sa kabila ng murang edad, ay unti-unti ring binibigyan ng puwang upang maging bata, upang maglaro, tumawa, at magsabi kapag siya mismo ay natatakot.Nang gabing iyon, inilagay ni Astrid ang munting aklat sa tabi ng kanilang litrato. Bago matulog, binuksan niya ang huling pahina at muling tiningnan ang guhit ni Ashton. Hindi perpekto ang mga linya. May mga bahaging lumampas ang kulay, at hindi magkakapantay ang mga taong iginuhit nito. Ngunit sa simpleng larawang iyon, may isang bagay na matagal nang hinahanap ni Astrid. Ang paalala na kahit nagbago ang kani
Read more