ELOWENHindi na nakapagpigil si Nadine.Isang hakbang lang ang lumapit si Martha, pero sapat na iyon para tuluyang maputol ang huling hibla ng pasensya niya."Ulol ka pala," ulit ni Nadine, mas malinaw at mas matalim ngayon.Napatingin ako sa kanya, agad na humawak sa braso niya."Nadine, tama na—" bulong ko, nanginginig pa rin ang boses ko.Pero hindi na siya nakinig.Tumaas ang dibdib niya sa galit habang nakatitig kay Martha. "Ano bang problema mo? Wala kang ibang alam gawin kundi mang-insulto ng tao?"Napangiti si Martha, parang naaliw pa siya."Ako pa ngayon ang may problema?" malamig niyang sagot. "Look at you. Mga taga-backroom lang naman kayo, akala niyo kung sino kayo."Parang may sumabog sa paligid.Humakbang si Nadine pasulong."Ulol ka talaga," mariing sabi niya. "Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa amin."Doon, biglang nagbago ang aura ni Martha.Yung ngiti niya, nawala.Napalitan ng malamig na tingin."Say that again," sabi niya, mabagal.Napasinghap ako."Hindi
อ่านเพิ่มเติม