"Tungkol sa V.Y., kung anong dapat ikaso, ikaso natin. Kung anong perang dapat bawiin, bawiin natin. Hindi biro ang sampung bilyon, kahit magkano ang makuha natin ay malaking tulong na," seryosong saad ni Astherielle, habang may malamig na kislap na dumaan sa kaniyang mga mata. "Ngayong alam na ni Primo na unti-unti nang bumabangon ang kumpanya ng mga Revamonte, tiyak na gagawa at gagawa siya ng paraan para makasawsaw muli. Bakit hindi natin gamitin ang sarili niyang laro laban sa kaniya?"Kumunot ang noo ni Eduardo. "Pero tuso ang matandang 'yan, Elle. Hindi basta-basta papasok sa bitag ang isang tulad ni Primo kung simpleng pain lang ang gagamitin natin."Bahagyang itinaas ni Astherielle ang kaniyang sulok ng labi, isang mapaglaro at may tiwalang ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha."Paano kung si Radleigh Del Fierro ang gagamitin nating pain?"Pagkauwi ni Astherielle sa kaniyang sariling silid, binalak niya sanang tawagan ang kaniyang asawa. Subalit nang sulyapan niya ang orasan,
Huling Na-update : 2026-07-17 Magbasa pa