Irish's POV "Eh ngayon ba, may nararamdaman ka pa sa kanya?" tanong ko Matagal bago siya sumagot, parang nag iisip pa siya sa kung anong pwede niyang isagot sa tanong ko. Inubos niya ang natitirang beer at saka nilapag 'to sa center table. Kumuha siya ulit at binuksan 'to saka uminom ulit. "To be honest hindi ko alam..." panimula niya "I think she changed a lot. Hindi siya gano'n noon. The Nicole I know is Kind, hindi siya marunong manakit ng kapwa niya. And I don't know why she turned like that." Sa paraan ng pananalita niya ay parang nasasaktan pa rin siya dahil sa naging gano'n ang EX niya. Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng maisip na baka mahal pa niya si Nicole. "Hindi ko man alam kung bakit kayo nag hiwalay, pero tanong lang. Bakit hindi ka na lang makipag balikan sa kanya, imbes na mag panggap na may asawa ka?" tanong ko. "Kasi natatakot ako." sagot niya, napatingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa beer na hawak niya. "Natatak
Last Updated : 2026-08-18 Read more