Irish's POV Ilang segundo kaming walang nagsalita matapos sabihin ni Maia ang pangalan ni Nicole.Napansin kong bahagyang nagbago ang ekspresyon ng Mommy ni Jordan. Hindi naman siya galit, pero halatang nagulat.Napatingin ang Mommy nila sa Daddy nila bago muling tumingin kay Maia."Let her in, Maia." sagot nito "Mom..." mahinang tawag ni Jordan. "What? She's been part of this family for years, Jordan," sagot ng Mommy niya. "Hindi naman natin siya pwedeng paalisin na lang bigla, have some manners, son."Hindi na sumagot si Jordan, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito ng bahagya. Sumensyas naman si Maia kay Manang at saka ito dumeretso sa pintuan. Ilang saglit pa ay pumasok si Nicole sa dining area, napatingin siya sa buong paligid bago ngumiti nang bahagya."Good evening, Tita. Tito." bati nito at lumapit sa parents ni Jordan."Nicole," bati ng Mommy ni Jordan habang tumatayo. "Come here, how are you, hija?""I'm good po." sagot nito at bumeso sa Mommy ni Jordan. Niyakap din
Last Updated : 2026-08-28 Read more