Wika nga ng iba, may tainga ang lupa may pakpak ang balita. Nakarating agad kay Cassandra na naibalik na ni Ryker si Haya sa Mansyon nito. Galit na galit ang babae, dapat ay siya ang unang nakahanap kay Haya at bago sana ito bumalik ay pinapirma na niya ito sa divorce papers nila ni Ryker. Kaya ang balak ni Cassandra na manatili pa kuno sa hospital dahil mahina pa siya ay binawi na nito. Nag-changed plan ang dalaga, kailangan nitong makausap si Haya fae to face kahit ano man ang mangyari."Amira, hanggang kailan sa ICU si Ryah?" Agad na tanong ni Cassandra kay Doktora nang dalawin siya nito sa private room niya.Isinunod ni Cassandra sa pangalan ni Ryker ang name ng bata, Ryah Kate Saavedra. Kahit papaano ay masaya naman si Cassandra dahil nasunod ang kagustuhan nitong makuha ng bata ang apelyido ni Ryker. Kapalit niyon ang kanyang pananahimik, ang pananatili nilang mag- ina sa likod ni Rye. Bagaman hindi iyon ang gustong mangyari ni Cassandra naisip niyang magtiis-tiis muna sila ni B
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-04 Mehr lesen