Pagkalayo nina Haya at Ryker mula sa napahiyang si Cassandra, dumiretso na ang dalawa patungo sa VIP area kung saan naroon ang mga magulang at kapatid ni Haya. Paglapit nila sa hapag, sabay silang nagmano sa kanyang Papa at Mama, nagbeso-beso sa kanyang mga kapatid, at ibinigay ang kanilang dalang mamahaling regalo kasabay ng kanilang pormal na pagbati."Maligayang anniversary po sa inyo, Papa, Mama," nakangiting bati ni Haya, bagaman malamig ang mga mata."Happy Anniversary po, sa inyong dalawa," dugtong naman ni Ryker sa galang at pormal na boses. "Sana ay magustuhan ninyo ang simpleng regalo namin ni Haya."Nakita ni Haya kung paano agad na nagliwanag ang mga mukha ng kanyang mga magulang. Kay tamis ng kanilang mga ngiti habang nakatitig sa kanila—lalo na kay Ryker na bihirang-bihirang sumama sa mga pampamilyang pagtitipon noong mga nakaraang taon."Naku, Ryker, Haya! Maraming salamat! Napakalaking karangalan na makasama ka namin ngayong gabi, Ryker," natutuwang saad ng kanyang Mam
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-04 Mehr lesen