Ang sikat ng araw na sumisilip sa mga kurtina ng guest room ay hindi nagdala ng kahit anong init sa puso ni Haya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, bahagyang masakit ang ulo at mabigat ang mga mata dahil sa walang patid na pag-iyak noong nakaraang gabi. Ngunit sa kabila ng pisikal na pagod, may panibagong lakas at dingding ng bakal na nabuo sa kanyang kaibuturan.Naalala niya ang bawat minutong nagdaan—ang pambubusabos ni Cassandra, ang sabwatan ng pamilya Saavedra, ang pagiging ipokrito ni Ryker, at ang malamig na katotohanang ibig pala nitong makipag-divorce noon dahil nagdadalang-tao na si Cassandra.Napakapit si Haya sa gilid ng dressing table. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Namumula ang kanyang mga mata, ngunit wala na roon ang lumang Haya na takot, nagmamakaawa, at naghahangad ng konting pagmamahal mula sa kanyang asawa."Hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang gusto mo, Cassandra," pabulong ngunit matalim na sambit ni Haya sa kanyang repleksyon. "At ikaw
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-16 Mehr lesen