Sa loob ng isang eksklusibong penthouse sa Bonifacio Global City, umalingawngaw ang isang malakas, matunog, at tila nakatutulig na halakhak.Nakatayo si Cassandra sa harap ng malaking glass window habang hawak sa kanyang kanang kamay ang ilang pahina ng opisyal na imbestigasyon mula sa pampribadong imbestigador na kanyang inupahan. Ang bawat salita, bawat lagda ng doktor, at bawat dokumentong nanggaling sa St. Jude Medical Center ay nirepaso na niya nang paulit-ulit.Walang anumang record ng pagbubuntis si Hyacint Pearl Saavedra. Walang konsultasyon sa OB-GYN, walang ultrasound, at mas lalong walang anumang transaksyon o kontrata sa kahit anong klinika sa loob at labas ng bansa para sa isang surrogate mother."Sabi na nga ba! Sabi na nga ba, eh!" Tumatawang wika ni Cassandra sa kanyang sarili, ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa matinding kagalakan at kabaliwan."Nagpapanggap ka lang, Haya! Isang malaking kasinungalingan at gawa-gawang kwento lang ang lahat!"Inihagis ni Cassandra a
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-24 Mehr lesen