Kahit masamang-masama ang pakiramdam at kumikirot pa rin ang bawat parte ng kanyang mukha at katawan mula sa pakikipag-away kay Haya, nagdesisyon pa rin si Cassandra na makipagkita kay Tyler. Hindi na niya kayang tiisin ang matinding galit, inggit, at pagnanais na makaganti. Mabilis siyang nag-ayos sa harap ng salamin, ngunit hindi niya maikaila ang bakas ng pananakit sa kanyang mukha.Upang kahit papano ay matabunan ang mga pasa, sugat sa labi, at pamumula ng kanyang mga pisngi, kinapalan na lamang ni Cassandra ang paglalagay ng makeup at concealer. Hindi pa siya nakuntento—nagsuot din siya ng napakalaking black sunglasses na halos sumakop sa kalahati ng kanyang mukha, at naglagay ng malapad na beach hat sa kanyang ulo. Nagmukha siyang taong pupunta sa isang luxury resort sa beach kahit na pumasok siya sa isang pribado at tahimik na VIP room ng isang mamahaling restaurant kung saan siya hinihintay ni Tyler.Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Cassandra sa silid, agad na napatingin
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-01 Mehr lesen