Kinabukasan, dumating si Lia nang maaga.Pagbukas ko ng pinto, may hawak siyang malaking frame.“Good morning!”“Good morning. Ano 'yan?”“Surprise.”Pumasok siya at inilagay ang frame sa mesa.Pagtingin ko, napahinto ako.Larawan namin.Ako.Si Adrian.Si Lia.At sa likod namin, ang unang bahay na itinayo ng Horizon Home.Hindi ito mukhang lumang larawan.Mukha itong buhay.May mga batang naglalaro sa harapan.May mga taong nagtatanim.May mga matatandang nakaupo sa bangko.At sa gitna, may maliit na karatula:ANG BAHAY AY NAGSIMULA SA ISANG PANGARAP. ANG KOMUNIDAD ANG NAGPATULOY.“Kanino galing?” tanong ko.“Sa community.”Napangiti ako.“Bakit binigay sa akin?”“Hindi para sa'yo lang.”Napatingin ako sa kanya.“Para sa atin.”---Dumating si Adrian mula sa kusina.“What's happening?”Ipinakita ni Lia ang larawan.Tumahimik siya.“Nice.”“May isa pa,” sabi ni Lia.Kumuha siya ng maliit na envelope.“Para sa'yo.”Binuksan ko.Isang simpleng sulat.“Mira, salamat sa unang hakbang. Per
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-01 Mehr lesen