로그인
Masakit masunog nang buhay, pero wala nang mas sasakit pa habang pinapanood mong naghahalikan ang mapapangasawa mo at ang matalik mong kaibigan sa mismong harapan mo.
Halos hindi na ako makahinga. Bawat singhap ko ng hangin ay punong-puno ng makapal at maitim na usok na sumisira sa baga ko. Nakadapa ako sa malamig na marmol ng sarili kong mansyon habang unti-unting nilalamon ng kulay-kahel na apoy ang mga mamahaling kurtina at muwebles na ipinundar ng mga magulang ko. "M-Marco..." pilit kong usal, ngunit dugo lang ang bumulwak mula sa labi ko. Namanhid na ang mga binti ko dahil sa lason na inihalo nila sa pagkain ko kanina. Sa may pintuan, malayo saabot ng apoy, nakatayo si Marco. Suot niya ang paborito niyang Italian suit na ako mismo ang bumili, habang ang mga kamay niya ay walang-hiyang nakadakma sa baywang ni Chloe, ang babaeng pinulot ko sa putikan, pinag-aral, at itinuring na parang tunay na kapatid. Huminto si Chloe sa paghalik sa leeg ni Marco at tumingin sa akin nang may matamis ngunit nakakakilabot na ngiti. Hinaplos niya ang bahagyang umbok sa kanyang tiyan. "Look at her, babe. Mukhang naghihintay pa yata siyang iligtas mo," malambing na sabi ni Chloe, ibang-iba sa maamo at mahinang boses na ipinapakita niya sa akin sa loob ng limang taon. Tumawa nang mahina si Marco at inayos ang kwelyo niya. Tinitigan niya ako na para bang isa akong maduming basahan sa sahig. "Save her? Para saan pa? Pirmado na ang lahat ng share transfer documents ng Valderama Jewelry Empire. Maging ang huling insurance policy niya, sa pangalan ko na nakapangalan." Gumising ang matinding poot sa dibdib ko. Pilit kong ikinuskos ang mga kuko ko sa sahig, sinusubukang gumapang palapit sa kanila kahit nagkakabakbak na ang balat sa mga daliri ko. "Mga hayop kayo... Binigay ko sa inyo ang lahat! Bakit?!" Lumapit nang bahagya si Chloe at umupo sa tapat ko, sapat lang para hindi siya maabot ng apoy. Hinawakan niya ang baba ko nang madiin, dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "Bakit?" bulong niya, bakas ang matinding inggit at galit sa kanyang mga mata. "Dahil nakakasuka ka, Celeste! Lagi na lang ikaw ang perpekto! Ikaw ang tagapagmana, ikaw ang maganda, ikaw ang hinahangaan ng lahat habang ako, tagapulot lang ng kung anong ibigay mo! Well, guess what? Yung brake failure sa kotse ng parents mo three years ago? Kami ni Marco ang nagplano noon. At yung engagement party natin? Yung gabing muntik ka nang ma-rape sa hotel room? Ako ang naglagay ng droga sa wine mo!" Nanlaki ang mga mata ko. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Ang pagkamatay nina Mommy at Daddy... hindi iyon aksidente. "At ngayon," patuloy ni Chloe sabay tayo at pagpag sa kamay niya na parang nadumihan sa paghawak sa akin, "ako na ang magiging Mrs. Monteverde. Habang ikaw, magiging abo na lang." "Let's go, babe. Baka maabutan pa tayo ng mga bumbero," yaya ni Marco. Walang lingon-likod silang tumalikod at iniwan akong nakakulong sa loob ng lumalagablab na impyerno. Umiyak ako nang umiyak, ngunit agad ding natutuyo ang luha sa pisngi ko dahil sa tindi ng init. Bumagsak ang malaking chandelier sa di-kalayuan. Unti-unti nang dumidilim ang paningin ko. Panginoon, o kahit sinong diyablo na nakikinig ngayon... ibalik ninyo ako. Isinusumpa ko, kahit kaluluwa ko pa ang maging kapalit, dudurugin ko silang dalawa. Bago tuluyang lamunin ng dilim ang ulirat ko, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa nakasarang p***o ng mansyon. "Celeste!" Isang malalim, garalgal, at punong-puno ng takot na boses ng lalaki ang umalingawngaw sa gitna ng apoy. Sa malabo kong paningin, nakita ko ang isang matangkad na pigura na walang pakialam na sumugod sa nagbabagang mga kahoy. Nang makaluhod siya sa tabi ko at buhatin ako papunta sa dibdib niya, naamoy ko ang pamilyar na halimuyak ng cedarwood, mamahaling whiskey, at usok. Tiningala ko ang mukha niya—ang matatalim na panga, ang kulay-abong mga mata na ngayon ay namumula sa luha, at ang labing nanginginig habang binibigkas ang pangalan ko. Si Damien Monteverde. Ang ruthless billionaire head ng buong Monteverde clan. Ang tiyuhin ni Marco na kinatatakutan ko noon. "Don't close your eyes, baby, please..." desperadong bulong ni Damien habang mahigpit akong niyayakap kahit nasusunog na ang likod ng suot niyang coat dahil sa bumagsak na kahoy. "I'm here. Kukunin na kita. Huwag mo akong iwan, Celeste..." Bakit? Bakit umiiyak para sa akin ang lalaking inaakala kong walang puso? At bakit handa siyang mamatay kasama ko sa apoy na ito? Iyon ang huling tanong sa isip ko bago tuluyang tumigil ang tibok ng puso ko. "ugh..." Isang malakas na singhap ang kumawala sa bibig ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang mabilis na naghahabol ng hininga. Walang usok. Walang amoy ng nasusunog na laman. Sa halip, malamig na hangin mula sa aircon at mahinang tugtog ng violin mula sa malayo ang sumalubong sa pandinig ko. Nanginginig kong tiningnan ang mga kamay ko. Makinis. Walang sugat. Walang bakas ng pagkakasunog. Suot ko ang pamilyar na silver halter gown na may malalim na hiwa sa hita. Teka. Ang gown na ito... Mabilis akong napatingin sa paligid. Nasa mahabang carpeted hallway ako ng VIP floor ng The Grand Peninsula Hotel. Sa dulo ng pasilyo, tanaw ko ang p***o ng Suite 3004—ang kwarto kung saan ako papunta noon dahil sinabi ni Chloe na nandoon daw si Marco at naghihintay sa akin bago magsimula ang engagement party namin sa baba. Biglang sumiklab ang matinding init sa lalamunan ko na agad kumalat sa buong katawan ko. Napasandal ako sa pader habang namumuo ang butil-butil na pawis sa noo at dibdib ko. Ang pamilyar na pagkahilo, ang mabilis na pagtibok ng puso, at ang kakaibang init sa pagitan ng mga hita ko... Ang droga. Nagbalik ako! Nagbalik ako sa mismong gabi ng engagement party namin ni Marco, tatlong taon bago nila ako patayin! At ngayon, umeepekto na ang malakas na aphrodisiac na inihalo ni Chloe sa champagne ko kanina! Sa nakaraan kong buhay, pumasok ako sa Suite 3004 sa pag-aakalang nandoon si Marco, ngunit si Mr. Chavez—ang matandang manyak na board member—ang nadatnan ko roon. Kinailangan kong saksakin ang sarili kong hita gamit ang basag na baso para lang magising ang diwa ko at makatakas, habang ginamit naman iyon ni Marco para palabasing "marumi" na ako pero pinatawad pa rin niya ako. Isang malamig at nakamamatay na ngiti ang gumuhit sa labi ko kahit nanginginig ang tuhod ko sa epekto ng droga. Sakto namang bumukas ang p***o ng Suite 3005 sa kabilang dulo at lumabas doon si Chloe, inaayos pa ang nagusot niyang puting bestida. Nang makita niya akong nakasandal sa pader at namumula ang mukha, agad siyang lumapit nang may pekeng pag-aalala. "Oh my gosh, Celeste! Nahihilo ka na naman ba? Halika, ipasok na kita sa Suite 3004, nagpapahinga lang doon si—" Bago pa niya ako mahawakan, malakas kong tinabig ang kamay niya. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata—isang tingin na punong-puno ng poot mula sa impyerno na nagpaurong sa dila niya. "Huwag mo akong hahawakan, Chloe," malamig kong bulong, habang pilit na nilalabanan ang init na bumabalot sa kalamnan ko. "Bakanakakalimutan mo kung sino ang amo mo." "C-Celeste? Anong sinasabi mo? Lasing ka lang yata—" "Pagod na si Mr. Chavez sa loob ng 3004, 'di ba?" ngisi ko na ikinaputla nang husto ng mukha niya. "Ikaw ang nagtimpla ng champagne ko kanina. Kaya bakit hindi ikaw ang pumasok doon at magpainit sa kanya?" "W-What?! Hindi kita maintindihan! Tatawagin ko si Marco!" Natatarantang tumalikod si Chloe at halos patakbong bumalik sa elevator. Alam kong pupuntahan niya si Marco para mag-isip ng bagong plano, o kaya'y kukuha siya ng mga tauhan para pilitin akong pumasok sa kwartong iyon. Napasandal ulit ako sa pader at napapikit nang mariin. Damn it. Masyadong malakas ang tinimpla ng babaeng 'yon. Kung hindi ako makakahanap ng paraan ngayon din, mawawala ako sa sarili ko sa gitna ng hallway na ito. Napadilat ako at napatingin sa dulo ng pribadong pasilyo, kung saan naroon ang nag-iisang double-door na gawa sa itim na kahoy at ginto. Ang Presidential Penthouse. Sa pagkakaalala ko, isang tao lang ang laging umuukopa sa penthouse na iyon tuwing may malaking event sa hotel na ito. Ang lalaking sumugod sa apoy para sa akin. Nang hindi nagdadalawang-isip, humakbang ako papunta sa itim na p***o. Bawat hakbang ay parang naglalakad ako sa baga dahil sa tindi ng pagnanasa at init na dulot ng droga sa dugo ko. Nang makarating ako sa tapat niyon, huminga ako nang malalim at kumatok nang tatlong beses. Ilang segundo lang ang lumipas, bumukas ang p***o. Natigilan ako. Nakatayo sa harapan ko si Damien Monteverde. Suot niya ang puting dress shirt na nakabukas ang unang tatlong butones, revealing his broad, sculpted chest and the faint trace of a dark tattoo peeking near his collarbone. May hawak siyang baso ng whiskey sa isang kamay. Nang bumaba ang tingin ng kulay-abo at matatalim niyang mga mata sa akin—mula sa namumula kong pisngi, sa habol kong hininga, hanggang sa basang labi ko—biglang dumilim ang ekspresyon niya. "Miss Valderama," his voice was a low, dangerous rumble that sent a violent shiver straight down my spine. "Anong ginagawa ng bride-to-be ng pamangkin ko sa harap ng kwarto ko?" Imbes na sumagot, humakbang ako papasok, nilampasan ang matangkad niyang katawan, at hinayaan ang sarili kong mapahawak sa matigas niyang dibdib para hindi ako matumba. Naramdaman ko ang biglang pagtigil ng hininga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa baso. Tiningala ko siya, hinayaan kong makita niya ang apoy sa mga mata ko. "I was drugged, Damien," bulong ko habang dahan-dahang humahaplos ang kamay ko sa kwelyo niya. "At may dalawa kang pagpipilian ngayong gabi. Itapon mo ako palabas sa kwartong ito... o tulungan mo akong sunugin ang buong mundo ni Marco, simula sa kama mo."Malakas ang hampas ng ulan sa makapal at tinted na salamin ng bulletproof Maybach ni Damien habang pumapasok kami sa mataas na bakal na gate ng Valderama Mansion. Kumikidlat sa madilim na kalangitan, tila nakikisabay ang panahon sa nagngangalit na poot sa dibdib ko.Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan sa ilalim ng malawak na portico, hinubad na ni Damien ang itim niyang suit jacket at marahang ipinatong iyon sa hubad kong balikat. Niyakap ako agad ng pamilyar niyang amoy—cedarwood, whiskey, at ang init ng katawan niya na bahagyang nagpakalma sa nanginginig kong mga kamay."Stay behind me," mababa at maawtoridad niyang bulong bago bumukas ang pinto ng sasakyan.Pagkababa namin, agad na sumalubong si Manang Lourdes mula sa bukana ng mansyon. Namumutla ang matanda at may nakabalot na basang tuwalya sa namumula niyang siko. Sa likuran niya, nanginginig ang tatlong kasambahay habang nakatingin pataas sa grand staircase."Celeste, anak!" halos mapaiyak na salubong ni Manang Lourdes
Hindi pa man tuluyang nakakagalaw ang VIP elevator, dumagundong na ang malalakas na kalabog mula sa labas ng makapal at bakal na pinto."Celeste!! Buksan ninyo 'to! Tito Damien, anong ginagawa ninyo diyan sa loob?! Bitawan niyo ako, mga gago!!"Kahit soundproof ang elevator, rinig na rinig pa rin ang bahagyang kulob ng desperadong sigaw ni Marco habang pinipigilan siya ng mga armadong bodyguards sa pasilyo. Parang isang baliw na hayop na nawalan ng katinuan ang pamangkin ni Damien sa kabilang panig ng pinto.Ngunit wala akong pakialam sa kanya. Dahil sa mga sandaling ito, ni hindi ako makahinga sa tindi ng presensya ng lalaking nakakulong sa akin.Nakasandal nang buo ang hubad kong likod sa malamig na salamin ng elevator, habang ang matigas at mainit na katawan ni Damien ay nakadiin sa harapan ko. Nakatukod ang isang malaking kamay niya sa salamin sa tabi ng ulo ko, at ang kabila naman ay mahigpit na nakahawak sa panga ko—marahan ngunit puno ng nakakakilabot na pag-aangkin.Bago pa um
Sa isang iglap, tila bumagsak ang temperatura sa loob ng buong Grand Ballroom.Lahat ng tatlong daang bisita—mula sa mga pinakamayayamang tycoon sa bansa hanggang sa mga matatapang na reporters na kanina lang ay nakikipag-unahan sa flash ng kamera—ay sabay-sabay na nanigas. Ilang photographer pa ang kusang nagbaba ng kanilang mga lente dahil sa matinding takot.Walang may lakas ng loob na basta-basta kunan ng litrato si Damien Monteverde nang walang pahintulot.Mabagal, mabigat, at walang pakialam sa nakakabinging katahimikan ang bawat hakbang niya sa gitna ng pulang karpet. Sa likuran niya, anim na matitipunong bodyguards na nakasuot ng purong itim ang nakasunod nang may nakakakilabot na disiplina. Ang liwanag ng mga kristal na chandelier ay tumatama sa matalim na panga ni Damien, sa perpektong pagkakasuklay ng itim niyang buhok, at sa kulay-abong mga mata niyang kasing-lamig ng yelo.Sa gitna ng entablado, halos manginig ang mga tuhod ni Marco. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin n
Napasigaw ang ilang bisita sa harap ng entablado nang makita nilang parang ulol na asong sumugod si Chloe patungo sa akin. Nakataas ang parehong kamay niya, nakalabas ang mahahaba at matatalim niyang mga kuko, handang-handang sirain ang mukha ko sa harap ng daan-daang kamera.Masyadong malayo ang mga security guards para maabutan siya. Maging si Mr. Salazar sa VIP table ay napatayo sa gulat.Ngunit hindi man lang ako kumurap.Sa nakaraan kong buhay, marahil ay napaatras na ako sa takot at hinayaan ko siyang saktan ako. Pero pagkatapos kong mamatay nang dilat ang mga mata sa gitna ng apoy, wala na akong kahit anong takot sa isang tulad ni Chloe.Nang isang dipa na lang ang layo ng matatalim niyang kuko sa pisngi ko, kalmado akong humakbang pakaliwa. Bago pa siya lumampas sa akin, mabilis kong sinalo ang kanang pulso niya sa ere at marahas itong pinilipit nang bahagya."Aray!! Bitawan mo ako!" tili ni Chloe habang napapangiwi sa sakit.Hindi ko siya binitawan. Sa halip, hinila ko siya p
Biglang natahimik ang buong Grand Ballroom. Kahit ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at ang maingay na bulungan ng mga bisita kanina ay tuluyang naglaho.Sa gitna ng nakakasilaw na spotlight, hawak ko ang mikropono habang nakatingin sa dagat ng mga taong gutom sa balita. Sa gilid ng entablado, napahinto si Chloe sa pag-alis. Nagpumiglas siya sa hawak ng dalawang usher, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin—hindi pa rin siya makapaniwalang hindi ako bumigay sa drama niya kanina.Samantala, sa tabi ko, halos umabot na hanggang tenga ang ngiti ni Marco.Akala siguro ng hangal na ito ay natakot ako sa banta niya tungkol sa media at sa stocks ng Valderama Corp. Tumindig siya nang tuwid, inayos ang butones ng suot niyang suit, at bahagyang humakbang palapit sa akin. Narinig ko pa ang mahina at mayabang niyang halakhak habang nagpapacute sa mga kamera ng press."Ano pang regalo ang hinanda mo, sweetheart?" malambing niyang tanong sa mikropono, pilit na ibinabalik ang imahe ni
Sabay-sabay na napasinghap ang halos tatlong daang bisita sa loob ng Grand Ballroom.Mas lalong bumilis at nagmistulang kidlat ang kislap ng mga kamera ng media, lahat nakatutok sa gitna ng pulang karpet kung saan nakaluhod si Chloe sa mismong paanan ni Marco. Para siyang isang basang kuting na itinapon sa ulan, gusot ang buhok, namumugto ang mga mata, at nanginginig ang mga balikat habang nakabalot sa maluwag na itim na coat na kinuha lang niya mula sa kung saang tauhan ng hotel.At ang pinakamatinding detalye sa palabas niya? Ang malaking pamumula sa kaliwang pisngi niya, mula sa sampal ni Marco kanina sa Suite 3004—na ngayon ay pilit niyang inihaharap sa mga kamera para lalong magmukhang kinawawa."Celeste, please..." humahagulgol na iyak ni Chloe habang bahagyang hinihila pababa ang kwelyo ng coat niya, sapat lang para masilayan ng mga photographer ang ilang mapupulang marka sa balikat niya mula sa matandang si Chavez. "Alam kong galit ka sa akin dahil malapit kami ni Marco, pero







