ROSE BEHIND THOSE LETTERS

ROSE BEHIND THOSE LETTERS

By:  Gray  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
50Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Rosanne Oliveros ay isang anonymous writer sa isang writing platform. Ikinagulat na lamang niya isang araw nang may magkagusto sa kaniyang anonymous writing persona. At mapaglaro nga naman ang tadhana dahil ang taong may gusto sa kaniya ay nagugustuhan ng kaniyang kapatid. Dahil doon ay gumawa ng plano ang kapatid niya at nagkunwaring siya; ginamit ng kapatid niya ang kaniyang anonymous writing persona para mapansin ng lalaki. Niloko nilang dalawa ang lalaking inosente. Hindi man agree sa bagay na iyon ay wala nang nagawa pa si Rosanne dahil naipit siya sa mga utang na loob sa kapatid. Ano ang gagawin niya? Paninindigan na lang ba niya at kukunsintihin ang panloloko ng kapatid? Subaybayan ang kuwento ni Rosanne Oliveros tungo sa pagpapakatotoo.

View More
ROSE BEHIND THOSE LETTERS Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
50 Chapters
Chapter 1
"IYAN 'yung transferee, right?" "Oo, sabi nila kapatid daw iyan ni Queen Bee. Pero hindi ako naniniwalang magkapatid sila. I mean, look at her, she looks awful as hell compared to our Queen." "Agree. Kung sinabi nilang yaya iyan ni Queen baka naniwala pa ako." Kahit may mga naririnig na kung anu-ano mula sa mga estudyanteng kasalubong ay panay lamang ang lakad ko. Hindi ko ugaling pumatol sa mga tulad nila. Mabuti nang mag-aral nang tahimik, 'yun naman talaga ang dahilan kung ba't nandito ako. Natalapid ako nang bigla-bigla ay may humarang na binti sa aking harapan. Agad akong padapang bumagsak. Ang sementadong daan ay halos mahalikan ko dahil sa nangyari. Gayunpaman ay na
Read more
Chapter 2
NANG mag-uwian kinahapunan ay sabay kami ni Sheena na sumakay sa traysikel. Panay pa nga ang tingin ng ibang kasakay sa kapatid ko. Hindi ko rin naman sila masisisi. Ang kagandahan ni Sheena ay talagang kapansin-pansin lalo at may kaputian siyang parang nagliliwanag sa dilim. "Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Sheena. "Oo naman, may iniisip lang." "Hulaan ko, libro na naman iyang iniisip mo 'no?" Bahagyang tumawa ito sa tanong niyang iyon. Tumango na lamang ako. Kanina pa kasi paikot-ikot sa isip ko 'yung libro kong binasa. Tapos ko na siya basahin kanina at nabitin ako. Gusto ko pang basahin 'yung second volume ang kaso ay sold out na raw ito! Nakakainis
Read more
Chapter 3
"ICHA-CHAT mo 'yung crush ko o hindi ko ibibigay sa'yo ang nag-iisang kopya ng paborito mong libro?" Naipikit ko ng saglit ang aking mga mata kasabay ng matunog na pagbuntong-hininga. Animo'y napakalaking desisyon ng bagay na iyon para pag-isipan ko pa ng matagal. Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig matapos ang halos isang minutong pag-iisip. "Ayoko."Lumaylay ang mga balikat ni Sheena matapos ko iyong sabihin. "H-ha?""Hakdog.""P-pero... paborito mong libro 'yun. Ano bang meron kay Angelo at ayaw mo siyang i-chat?" Inilagay ni Sheena ang mga kamay sa tigkabilang gilid. Pinamewangan niya ako habang nakataas ang isang kilay."Tss. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gagamitin mo pa 'yung writer account ko para sa kalandian mo," pamamrangka ko sa kaniya."Aray naman, foul 'yun ah. Pero dahil may k
Read more
Chapter 4
"OH MY GULAY! Dali, mag-search ka ng mga wedding songs! Gusto ko nang ikasal kami sa lalo't madaling panahon!"Sa inis ko ay tinampal ko ang noo niya. "Ikalma mo iyang kaluban mong babae ka. Kapag ako nainis isusumbong kita sa mama mo.""Edi isumbong mo! Gusto mo samahan pa kita eh! Tsaka hindi nga kita sinumbong sa nanay mo na nakipag-away ka kanina!""Anong nakipag-away? Sila nga 'tong basta-basta na lamang akong hinarangan at tinalapid.""Charot! Ikaw naman, sister girl. Hindi kita isusumbong sa nanay mo basta ba hindi mo sa akin aagawin si Angelo!" Pinalo nito ang braso ko sa kilig dahilan para tingnan ko siya ng masama."Bakit ko naman aagawin iyang lalaking iyan? Tss, gaya mo 'ko sa'yo.""Aray naman! Ikaw ah, kanina ka pa foul sa akin, ah. Ang sakit nito magsalita kanina pa." Ngumuso ito na akala mo ay batang nagmamaktol."Para matauhan ka."

Read more

Chapter 5
HUMINGA ng malalim si Sheena habang hawak ang dibdib. Animo'y bumagal ang oras alinsabay ng pagbuka ng kaniyang bibig. "S-sige. Let's meet up." Natulala na lamang ako. Hindi ko na nga napansing tapos na pala silang dalawa mag-usap.  Nagtatalon sa kama si Sheena habang panay ang tili. "OMG! We're going on a date! Nagbunga rin ang tatlong taon kong pagpapapansin sa kaniya!" Bumalik lamang ako sa reyalidad nang kinikilig niya akong pinalo sa braso. "Pangangatawanan mo na nga talaga ang kahibangan mo. Talagang gagamitin mo na ang identity ko as a writer para sa lalaking iyon," halos tulala kong pagsasalita.   Niyakap ako ni Sheena. "Ikaw naman, okay na rin 'yun. At least may bago kang libro mula sa akin. Kukunin ko na mamaya 'yung second volume ng paborito mong libro kaya huwag ka nang mag-inarte riyan!"  "Kung ang kapalit ng librong iyon ay ang panloloko mo sa is
Read more
Chapter 6
NANG makarating kami sa cafe kung saan magkikita sila Angelo at Sheena ay agad akong umupo. Binuklat at binasa ko na agad ang librong binili para sa akin ni Sheena. Bago kasi kami pumunta rito ay kinuha na muna namin kay JelayAce 'yung isang kopya ng second volume ng binabasa kong libro. Medyo na-starstruck pa nga ako dahil idol na idol ko talaga ang author na 'yun."OMG! Nandiyan na siya, sister girl!" Pinalo ako ng bahagya ni Sheena pero hindi ko siya pinansin. Panay lamang ang basa ko sa hawak na libro. "C-cameyofan?" dinig kong tanong ng lalaki. "Yes! OMG! You can just call me Sheena." Kita ko sa peripheral vision ko na nagkamay sila. Nanginginig pa ang kamay ni Sheena parang tanga. "Sino siya? I mean, I'm just curious kasi nakita ko rin siya sa school kanina." "Siya ba?" maarteng tanong ng kapatid ko saka tinuro pa ako. "Kapatid ko iyan, si Rose. Hindi naman siya masiyadong pala-kaibigan kaya no need na magpakilala pa k
Read more
Chapter 7
"ALAS-DIYES na ah, bakit ngayon lang kayo dumating?! Nalimutan niyo na bang may curfew kayo?!"Napatungo na lamang ako sa tanong na iyon ni Tita. Tiningnan ko si Sheena at agad na tinapik nang makitang mukhang wala itong pakialam. Animo'y may sarili itong mundo. Hawak nito ang labi habang panay ang ngiti."Nakikinig ka ba, Sheena?!" Kahit itinanong na iyon ni Tita nang mas malakas ay hindi pa rin nagbago ang hitsura nito.Napaawang na lamang ang bibig ko nang batukan ni Tita si Sheena. Agad naman itong nanumbalik sa katinuan."Aray ko naman, ma! Kapag ako na-bobo huwag kayong magrereklamo sa mababa kong grades.""Hindi ang pambabatok ko ang magpapababa sa grades mo kundi iyang kalalakwatsa mo!"Hindi na umimik pa si Sheena. Ngumuso na lamang ito habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo. Alam niyang kahit gaano siya kadaldal ay wala pa rin siyang panama sa tunay ng reyna
Read more
Chapter 8
"O-ONYX! Hehe. Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isa sa mga lalaki."Bitawan niyo si Rosanne."Dahan-dahan akong binitawan ng lalaking nakahawak sa akin. Mabilis akong naglakad ulit. Walang lingunan akong nagpatuloy sa paglalakad. Mali-late na ako at nakakainis dahil bad shot agad ako sa mga teachers ko ngayon."Rosanne!" Ikinagulat ko nang may humawak na naman sa braso ko. "Ayos ka lang?"Nilingon ko ito at saka nginisian. "Bitawan mo ako kung ayaw mong sa'yo ko ibaling ang pagka-badtrip ko.""I'm s-sorry." Agad na binitawan ni Onyx ang braso ko.Wala itong nasabi nang simulan ko na ulit ang paglalakad. Nagmamadali kong tinahak ang daan papunta sa PNHS. Halos takbuhin ko pa nga ang gate sa pagmamadali.Nang makarating sa gate ay agad kong naalala ang assignments kong ginawa kagabi. Nadala ko ba ang mga iyon o naiwan ko sa study table sa kwarto? Napairap ako sa kawalan dahil sa sarili ko na namang katangahan.Habang naglalakad
Read more
Chapter 9
"Y-YES, ANGELO. Pumapayag akong magpaligaw sa'yo."Matapos iyong sabihin ng kapatid ko ay saka nagsitilian ang mga estudyante sa loob ng canteen. Irita na lamang akong napairap dahil sa kaingayan nilang lahat. "OMG! Kinikilig ako!" "Sana hindi na pahirapan ni Queen manligaw si Angelo. Bagay naman silang dalawa eh!" "Knowing our Queen, hindi iyan basta-basta pumapatol sa kahit na sino. And I get her, masiyado siyang maganda to let her standards fall.""Yieee!" Hindi pa rin nawala ang nakakairitang ingay kahit ilang minuto na simula nang payagan ni Sheena na manligaw si Angelo.Lumabas na lamang ako ng canteen para hindi na marinig pa ang tilian nilang para bang kinakatay ng baboy. "Rose!" Agad akong napalingon nang biglang may tumawag sa akin sa loob ng canteen. Nang makitang si Angelo iyon ay saka nagsalubong ang mga kilay ko. Ano bang kailangan ng hunghang na 'to? Nawala ang nakakabinging sigawan at lahat ay napunta ang atens
Read more
Chapter 10
NANG makitang may mga tao na sa classroom at nagsisimula na ang klase ay pumasok na rin ako. Bahala na sila kung anuman ang iisipin nila sa hitsura ko ngayon. Wala na akong pakialam kung mas lalo akong pumangit sa mga mata nila. Bulagin ko pa sila, eh. "Tingnan mo, umiyak siguro iyan."  "Baka na-bully."  "Hindi naman na nakakagulat, ang pangit kaya niya. Nakakapagtaka naman kung walang mambubully sa kaniya, 'no."  Blangko lamang ang ekspresyon ko habang umuupo sa silya ko sa unahan ng klase. Lahat ay nasa akin ang atensyon.  "Ano?" salubong ang kilay at pasigaw kong tanong. Kaniya-kaniya naman silang nagsipag-balikan sa mga g
Read more
DMCA.com Protection Status