MV Stories
Si Ariadne Altavilla ay anak sa labas ng isang dating Gobernador. Nang mawala ang kanyang ama sa posisyon niya sa politika, nagbago ang landas ni Ariadne, at natutong lumuhod sa tukso ng casino. Nabaon siya sa utang, at ang tanging paraan upang maayos ang mga pagkakautang ay ipasok siya sa Dream Fortress—isang Class-A na prostitution house na ang mga kliyente ay kabilang sa pinakamataas na uri ng lipunan.
Isang gabing puno ng pagbebenta ng laman ang nag-iwan sa kanya ng isang hindi malilimutang karanasan. Matagal na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin mabura sa isip ni Ariadne ang unang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Sa paglipas ng panahon, nanatili na lamang sa alaala ang lalaking iyon… hanggang sa makilala niya si Adam, na kalaunan ay naging kanyang kasintahan.
Masasabi ni Ariadne na tila maayos na ang buhay nila ng kanyang ina, kaya tinanggap niya ang marriage proposal ng kanyang nobyo. Subalit habang papalapit ang araw ng kanyang kasal, muling lumitaw sa kanyang buhay ang lalaking una at huling umangkin sa kanyang katawan, handang baguhin ang lahat ng kanyang pinangarap.