Mr.HeartBreakerPH
“If I touch you the way I've been wanting to, will you tell me to stop?”
Isang tanong na kayang gumising sa mga pagnanasang matagal nang ikinukubli ni Elara, at sa damdaming ilang taon nang pilit na itinatago ni Kyzer Smith, ang lalaking laging nasa kaniyang tabi nang mahabang panahon.
Ngunit bago pa man niya matikman ang pag-ibig na matagal nang naghihintay, muling susulpot ang lalaking minsan nang sumira sa kaniyang buhay, si Lazaro Gadiola, ang makapangyarihang bilyonaryo ng Gadiola Group.
Sa pagbabalik ni Lazaro, mabubunyag ang mga lihim na matagal nang ibinaon ni Elara, kabilang na ang anak na hindi kailanman nakilala ng ama. At habang lalong nagiging mapanganib ang bawat pagtatagpo, mas susubukin ang pag-ibig ni Kyzer at ang tapang ni Elara na ipaglaban ang pamilyang binuo niya mula sa mga labi ng kaniyang nakaraan.
Sa pagitan ng mga halik na matagal nang ipinagkait, mga pagnanasang pilit itinatago, at isang nakaraang hindi makalimutan, will Elara finally surrender to Kyzer's love, or will Lazaro turn their burning desire into a deadly game of possession?
150