JET HERRERA
Kasal na lang sana ang kulang sa relasyon nina Meg at Jazz.
Pero isang araw ay nakipaghiwalay bigla si Jazz kay Meg dahil may ibang babae na itong nagugustuhan.
Dala ang pira-pirasong puso, tumakas si Meg at nagpakalayo-layo. Nanalangin siya na sana, habang-buhay na ‘di na sila magkikita ng taksil na lalaki.
Dininig ng Diyos ang dasal niya—sa loob ng pitong taon nga lang.
Ngayon, nagkrus ulit ang landas nila. Hindi lang isang beses. Hindi dalawa.
Parang hindi aksidente. Parang sinasadya.
Kung bakit? Hindi niya alam.
Ang alam lang ni Meg ay kailangan niyang iwasan si Jazz bago pa nito matuklasan ang kanyang sekreto.
48