yshanggabi
Habang bumubuhos ang malakas na ulan, tumatakbo si Elara palayo sa sigaw na pumapatay sa kaniyang pagkatao “KABIT!”
Tinatago ang mukha sa ilalim ng kaniyang hood, sumiksik siya sa isang madilim na eskinita upang takasan ang galit ng babaeng humahabol sa kanya. Hindi siya pwedeng makilala. Hindi siya pwedeng mahuli.
Bawat paratang ay parang patalim na tumatagos sa kaniyang puso dahil kahit masakit at labag sa kaniyang kagustuhan, iyon ang katotohanan. Ngunit sa kabila ng takot, pagod, at mga luhang humahalo sa patak ng ulan, nagpatuloy si Elara sa pagtakbo.
Puno man ng kasalanan ang kaniyang kasalukuyan, hindi siya papayag na ito na ang maging katapusan niya.
131