GennWrites
Six months akong niloko ng sarili kong asawa, kasama pa ang babaeng tinuring kong best friend. Six months of roses, sweet messages, at paulit-ulit na pangakong ako lang ang mahal niya. Habang ako, kampante sa pagmamahal niya, sila naman pala ang lihim na nagtataksil sa likod ko.
Kaya nang dumating si Spade Vermont, dala ang ebidensiyang magpapatunay sa pagtataksil ng asawa niya at ng best friend ko, something inside me finally snapped. Sa sobrang sakit at galit, may naisip akong gawin na alam kong pagsisisihan ko.
“Let's have an affair,” diretso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. “Walang commitment. No strings attached. Just pure revenge. Ipaparamdam natin sa kanila kung gaano kasakit ang lokohin.”
Matagal niya akong tinitigan bago siya lumapit at bumulong, “When do we start?”
Akala ko, revenge lang ang lahat. Pero sa bawat gabing magkasama kami, unti-unti akong nahuhulog sa lalaking dapat ginagamit ko lang para makaganti.
The way he touched me, the way he looked at me, and the way he made me feel alive again—lahat iyon ay hindi kasama sa plano. Ngayon, nagsisisi na ang mga taong sumira sa amin.
Pero may malaking problema.
Hindi na lang paghihiganti ang gusto ko. Dahil sa bawat halik at yakap ni Spade, mas lalo kong gustong manatili sa tabi niya. We agreed. No feelings. No attachments. Just revenge. Iyon ang kasunduan.
Pero sa huli, pareho pala kaming nagsinungaling...
2