stevi
Limang taon nang tinalikuran ni Elias Madrigal ang rurok ng kaniyang kapangyarihan bilang pinuno ng Celestial upang iligtas ang kaniyang sarili at mga tauhan mula sa kamay ng hari ng Olympus.
Nagtago siya sa simpleng bayan ng Santa Lucia upang mamuhay nang tahimik kasama ang kaniyang mag-ina. Dahil walang nakakaalam sa kaniyang nakaraan, naging madali para sa pamilya ng kaniyang asawa na alipustain siya at tratuhin nang mas masahol pa sa aso.
Ngunit may hangganan ang kaniyang pagtitiis. Nang matuntunan siya ng kaniyang mga dating kasamahan, isang madilim na banta rin ang biglang lumapit sa kaniyang pamilya. Matagal nang ibinaba ni Elias ang kaniyang sandata, subalit ngayong nakasalalay na ang buhay ng kaniyang mag-ina, handa ba siyang muling dumanak ng dugo at gisingin ang natutulog na diyos ng digmaan sa kaniyang katawan?
82