YUKIE
Gumuho ang marangyang buhay ng dating heiress na si Astrid Madrigal. Upang maipagamot ang may-sakit niyang apat na taong gulang na anak na si Ezra, napilitan siyang magpanggap bilang isang simpleng staying housemaid.
Pero tila pinaglalaruan siya ng pagkakataon. Ang bago niyang amo sa mansyon ay walang iba kundi si Valerius Del Rosario—ang ruthless CEO na nagpabagsak sa pamilya niya limang taon na ang nakararaan, at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi bago siya tuluyang tumakas.
Sa gitna ng desperasyon, inalok siya ni Valerius ng isang kontrata: maging kasal sa papel sa loob ng anim na buwan kapalit ng buhay ng kanyang anak.
Sa likod ng makapal na salamin, lumang damit, at itinatagong pangalan, kakayanin kaya ni Astrid na gampanan ang pagiging katulong at sekretong asawa nang hindi natutuklasan ang pinaka-ingat-ingatan niyang lihim?
Lalo na’t habang tumatagal, mas lalong naghihinala ang milyonaryo… at ang pamilyar na bawat haplos nito.
126