Eckolohiya23
Kilala si Ceejay Xavier Altamonte bilang isang yelo pagdating sa negosyo—walang puso, walang emosyon, at walang inuurungan. Ngunit matapos ang isang madugong ambush na nag-iwan sa kanya sa bingit ng kamatayan, napadpad ang bilyonaryo sa isang liblib na hacienda sa probinsya. Para iligtas ang sarili mula sa mga kalaban, nagpanggap siyang walang maalala. Ang hindi niya inaasahan ay ang babaeng kumupkop sa kanya: si Alessandra, isang masipag at inosenteng kasambahay na unti-unting tumunaw sa malamig niyang puso.
Sa labas, isa siyang masungit at reklamador na estranghero. Pero sa likod ng nakakunot niyang noo ay isang lalaking nagpipigil ng matinding pagnanasa. Hindi alam ng torpeng bilyonaryo kung paano aminin ang nararamdaman niya, kaya sa gabi, idinadaan niya sa mapusok at maiinit na nakaw na sandali ang pag-angkin sa dalaga. Hanggang kailan mapapanindigan ni Ceejay ang kanyang pagpapanggap kung ang sarili niyang katawan na ang naghahabol sa nag-iisang babaeng nagparamdam sa kanya ng apoy?
579