Dark Ocean
BOOK #1 MARINOS' MAYHEM SERIES
Tagalog version
ADRIAN
“Sabi ko ‘umarte ka bilang boyfriend ko’ nang limang minuto lang, hindi ‘umarte ka bilang putang-inang asawa ko’ para sa buong buhay mo!” Kalahating sigaw ni Adrian Price, ang mga daliri niya’y nakakuyom nang mahigpit sa kamao habang nakatitig siya sa nakakatakot, pero sobrang gwapo na lalaki sa harap niya.
Dahan-dahang kumurap si Giovanni Marino, tinatagalan ang oras para itala sa memorya ang bawat detalye ng katawan ni Adrian, hindi man lang inaalintana na ginugulo nito ang trabaho niya.
“Wala akong makitang malaking pagkakaiba sa dalawa.”
“Oh, for fuck sake! Thug ka, pero siguradong hindi ka naman tanga, di ba? Hindi mo ba alam kung kailan hihinto?” Pumusyaw si Adrian, lalong lumalapot ang galit niya.
“Sa kasamaang-palad, tila hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ‘hinto.’ Ginawa mong sobrang saya ang idea ng pagiging boyfriend ng isang tao kaya hindi ko na ata gustong tumigil.”
Alam ni Adrian Price na ang paghingi sa isang mobster na magpanggap bilang boyfriend niya ay mag-aalis ng maraming hindi kinakailangang atensyon mula sa mga malibog na mata, pero ang hindi niya alam ay ang lalaking pinili niya ay walang pinagkaiba sa mga hindi kanais-nais na peste na palaging nakapaligid sa kanya, na gusto ring makatikim sa kanya.
Nasisiyahan si Giovanni Marino sa pag-clubbing kasing dami ng kasiyahan niya sa pagpatay; gayunpaman, sa kabila nito, sobrang nag-iisa siya. Ngayon, nahanap na ng malaking masamang lalaki ang laruan na puwede niyang paglaruan, at ito ang pinakamasayang kasiyahan sa buhay niya. Hihinto ba siya at babalik sa malungkot niyang buhay?
Iyon ay hindi niya sigurado kung kaya niyang gawin. Hindi man lang noong narealize niyang anak ng kaaway niya si Adrian. Kailangan niya si Adrian, either para sirain siya o gawing kanya.
813