Joxxana
“Be a good girl and show me how much you missed your husband.”
Kahit pumirma na siya sa divorce papers, hinding-hindi mabubura ang marka ng dating asawa sa kaniya. Maaari siyang magkunwaring galit at sabihing kinasusuklaman niya ang lalaki, ngunit alam nitong hindi ganoon kadaling kalimutan ang lahat ng pinagsaluhan nila.
Bawat haplos, bawat pag-angkin, bawat ungol na minsang kumawala sa kaniyang mga labi ay mga alaalang pilit man niyang ibaon, mananatili pa rin sa kaniyang isipan. At ngayong muli silang nagkaharap, determinado ang lalaki na patunayan sa kaniya na hindi pa tuluyang napuputol ang ugnayang pilit niyang tinatakasan...
Sapagkat sa kabila ng diborsyo, itinuturing pa rin siya nitong asawa.
357