mnwrites
Akala ni Krystal ang pagmamahalan nila ni Conor ay pangmatagalan na, hanggang sa planuhin ni Valeria, ang nanay ni Conor na sirain ang pagmamahalan nila. Ginamit ni Valeria si Celeste dahil ito ang gusto niyang babae para sa anak niya. Gusto niyang mawasak ang pagmamahalan nilang dalawa ni Conor para magawa niya ang plano niya na maipakasal si Celeste at Conor. Dahil sa sakit ng nangyari, tinago ni Krystal ang anak nila ni Conor, ngunit dahil sa stress ay agad niya itong ipinanganak at sinabi sa kaniya na ito na ay pumanaw. Dahil sa sakit ay tumakbo siya paalis dahil doon ay naaksidente siya at nakalimot.
Pitong taon ang lumipas, nagkita silang muli, si Krystal bilang jewelry designer, si Conor na may ari ng isang shop at may anak na. Ngunit dahil sa pagkawala ng kaniyang alaala ang dati niyang pagmamahal kay Conor ay tuluyan na niyang nakalimutan. Muli kaya niyang maibabalik ang alaala na nawala sa kaniya? Paano kung maibalik niya ang alaalang ito? Kakayanin niya kayang dalhin muli ang sakit nito?