Jessa
Pero nang makilala niya si Alessandra Reyes, isang babaeng hindi natatakot na sagutin at labanan siya, may kakaibang interes siyang naramdaman.
Nang masangkot ang pamilya ni Alessandra sa isang malaking utang, nag-alok si Alexander ng isang kasunduang hindi niya kayang tanggihan: isang taong kasal kapalit ng kaligtasan ng kanyang pamilya.
Akala ni Alessandra, simpleng kontrata lamang iyon. Ngunit may isang bagay na hindi niya alam—matagal na siyang bahagi ng plano ni Alexander.
Habang lumalalim ang kanilang relasyon, unti-unting nabubunyag ang mga lihim tungkol sa nakaraan, isang pagtataksil na sumira sa pamilya ni Alexander, at ang tunay na dahilan kung bakit siya pinili nito.
What happens when the man who wants to own your future is the same man who could destroy it?
131