Ellise
Si Kasandra Natividad ay isang bubbly Education student, band vocalist, at certified party girl. Sa kabila ng masayang buhay, may isang pangarap siyang tila imposibleng maabot ang mapansin ni Nathan Caleb Gadon. Si Nathan ay isang seryosong Architecture student at tanging tagapagmana ng Gadon Firm. Dahil sa magkaibang mundo, akala ni Kasandra ay hanggang tingin na lang siya sa lalaki.
Ang hindi niya alam, secretly amazed na si Nathan sa kanya mula pa noong unang beses nitong marinig ang boses niya sa kanta. Umikot ang mundo nila nang mag-cross ang landas nila sa taunang University Cheering Foundation, kung saan bigla silang naging matinding magkalaban sa kompetisyon.
Sa gitna ng sigawan, tensyon, at ingay ng drums, unti-unting lalabas ang totoong naramdaman nila para sa isa't isa. Mapapatunayan ba nilang ang tunay na kilig ay nanggagaling sa pinakamagulong sitwasyon?
215