Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
1028.2K viewsCompletedAdded to Library 732 Times as adele love in the dark
Read
+Library
The billionaire's dept of love

The billionaire's dept of love

"Akala ko siya ang aking pahinga, hanggang sa naging bagyo siya na sumira sa buhay ko." Si Clara ay isang simpleng katulong lamang sa mansyon ng mga Alcantara. Lihim niyang minamahal ang malamig at supladong tagapagmana na si Liam. Ngunit ang isang gabi ng mapusok na pag-ibig ay naging isang bangungot nang mapagbintangan siya sa isang krimeng hindi niya ginawa. Sa halip na proteksyon, pangungutya ang ibinigay sa kanya ni Liam. Pinalayas siya nito sa gitna ng ulan—buntis, sugatan, at wasak ang pagkatao. Pagkalipas ng limang taon, hindi na si Clara ang babaeng laging nakayuko. Nagbalik siya bilang isang matagumpay at kilalang architect—matapang, mayaman, at may dalang isang sikretong handa niyang protektahan hanggang kamatayan: isang anak na may mga matang kawangis ng kay Liam. Nang muli silang paglapitin ng isang bilyong pisong proyekto, muling magliliyab ang poot at pagnanasa. Si Liam ay naghahanap ng kasagutan. Si Clara naman ay naghahanap ng hustisya. Ngunit sa laro ng paghihiganti, sino ang unang susuko? Isang kwento ng kataksilan, pagbabalik-loob, at isang sikretong maaaring maghilom sa kanila... o tuluyang tumupok sa lahat.
1.2K viewsOngoingAdded to Library 25 Times as adele love in the dark
Read
+Library
LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES

LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES

Si kiel isang binatang magbubukid na kinailangang mamasukan bilang house boy ni Don Teodoro para mabayaran ang pagkakautang ng kanyang ama na ginastos sa pagpapa aral sa kapatid na si Lyndon; isang criminology graduating student. Mula sa payak at inosenteng buhay ay mamumulat sya sa kamunduhan minsang gabing umuwing lasing ang bunso at nag iisang anak na babae ng kanyang amo; si Alice. Sa malamig na lamesang marmol inabutan ng tukso ang dalawang nagkikiskisan ng kani kanilang init ng katawan na hindi nila inaaasahang magbubunga. Sa unang beses nilang pagkikita ay may nangyari sa kanilang kahalayan na magdudulot ng responsibilidad na hindi nila napaghandaan. Engaged na si Alice nung mga panahong iyon kay Mikael na isang piloto at anak ng isang politiko, kahit hindi nya ito mahal dahil ipinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang para sa negosyo at koneksyon, gayunpaman ay walang sawang ipinapakita ni Mikael ang sinseridad at pagmamahal nya dito. Sa pagdaan ng oras ay tila nahuhulog ang loob nya dito, ngunit ang batang dinadala nya sa kanyang sinapupunan ay pag aari ni kiel, bunga ng makasalanang udyok ng kahalayan na gusto nyang ipalaglag. Tatlong lalaki sa buhay ni Alice, isang ama ng kanyang anak na isang beses nya lang naka niig, isang batang walang muwang na gusto nyang mawala, at isang nagmamahal sa kanyang hindi nya kayang suklian.
846 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as adele love in the dark
Read
+Library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
10643 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as adele love in the dark
Read
+Library
Karma : Kill me or Love me

Karma : Kill me or Love me

The story follows a person transported to another world as a dwarf named Karma. While living a quiet life in this new realm, Karma encounters Freya, a succubus Demon Lord, who commands him to undertake a seemingly impossible task: assist her in completing her mission in this world. Freya presents Karma with a stark choice—ascend the Sky Tower of Doom to kill her or remain in the tower and love her for eternity. As Karma grapples with this dilemma, he meets Mirai, the world’s hero, who is desperately hunting him to obtain the Black Crystal embedded in his body. Mirai pleads with Karma to sacrifice his life for the sake of humanity and her mission on this planet. However, when Karma refuses, she offers an alternative: she’ll stop attacking him if he agrees to join her and live peacefully in the city of humans. Caught between the conflicting demands and missions imposed by the goddess on both the Demon Lord and the hero, Karma is thrust into a chaotic, nerve-wracking, and relentless adventure that upends his tranquil existence, forever altering his peaceful life.
1.8K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as adele love in the dark
Read
+Library
Love in the Line of Fire

Love in the Line of Fire

Bata pa lamang si Anya ay ang pangarap nya lamang ay mamuhay ng simple at payapa. Pero mukhang 'di naaayon sa kanya ang kapalaran ng maging ulila at magpalaboy laboy sa lansangan. Hanggang sa ma kindnap siya ng pinaka malaking crime syndicate sa bansa. Kinailangan nyang gawin at sundin lahat ng iaatang na mission sa kanya upang mabuhay. Sa kabila ng lahat ay pangarap nya pa ring mamuhay ng simpleng tao lamang. Isang mission ang nilaan para sa kanya kapalit ng kalayaan nya. Ang magpanggap bilang ibang tao at maging fiance ni Christian Oliver Carter. Paano kaya matatagalan ni Anya ang ugali nito? Magagawa nya kaya ang mission na 'to kong ang lihim ng nakaraan ay mabubunyag? Paano kong hindi na naman sumang-ayon sa kanya ang kapalaran at gusto na namang guluhin ang buhay nya? Makakalaya pa kaya siya sa mundong ginagalawan nya?
107.5K viewsOngoingAdded to Library 218 Times as adele love in the dark
Read
+Library
The Unbothered CEO Falls In Love

The Unbothered CEO Falls In Love

Para gumaling ang sakit ng kapatid, ibinigay niya ang sarili sa isang kakaibang lalaki. Makalipas ang isang taon, sa isang party kasama ang mga kaibigan ng kanyang bagong boyfriend, idiniin siya ng lalaki sa dingding ng banyo. Ikinawit niya ang gilid ng pantalon nito gamit ang mga daliri, "Sa kama niyan noong isang taon, 68 beses mong tinawag ang pangalan ko." Ang ilan ay nasa hindi matiis na sakit, at ang ilan ay galit na galit na humihingi ng awa. "Maling tao ang nakilala mo, hindi pa kita nakikita." Si Isabella ay tumakas sa gulat at bumalik sa kahon, ngunit hinila siya ng kanyang kasintahan sa lalaki, "Ang uri ng gamot na makapagliligtas sa iyong kapatid ay magagamit lamang ni Master Nicklaus." Ibinaba niya ang kanyang postura at malungkot na nakiusap: "Master, please." Ipinasok ni Nicklaus ang sigarilyo sa kanyang bibig, kinagat ang dulo gamit ang kanyang mga ngipin, na may malamig na mukha at isang malamig na puso, ngunit ang kanyang mga mata ay sumalo sa kanya at hinila siya pabalik sa kabaliwan ng gabing iyon. Ang abo ay pumasok sa kanyang nakalaylay na kwelyo, at si Isabella ay nanginginig sa init, ngunit hinawakan ni Nicklaus ang kanyang kamay at hinila siya palapit. "Marami akong gamot, ano gusto mong palitan?"
101.8K viewsOngoingAdded to Library 45 Times as adele love in the dark
Read
+Library
Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor

Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor

"This love game of mine is starting to become hideously dangerous. Nagsisisi na ba ako? Obviously not." — Lexy Black Pagkatapos ng isang mainit na gabi, inakala ni Lexy na maari na lamang niyang kalimutan ang karanasang iyon pero paano na lamang kapag nalaman niya na ang naka-one night stand niya ay ang mismong gustong ipakulong siya? Coincidence nga ba? Or faith was just playing with them? Habang tumatagal, mas umiinit ang laro nila. Every encounter feels personal. Every move, calculated. At sa gitna ng dangerous cat-and-mouse game nila, isang insidente ang nagpilit kay Lexy na iligtas ang buhay ng lalaking dapat ay kaaway niya. Now Samuel is trapped in a dilemma. How could he arrest the woman who was once in his arms? And now, he owes his life to? In this game, na nagsimula sa gulo at habulan—will he put her in handcuffs or a ring on her finger instead?
10722 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as adele love in the dark
Read
+Library
When Love Must Be Secret (18+)

When Love Must Be Secret (18+)

Pagkagising ni Desiree, wala ni isang saplot sa katawan niya. Ngunit higit pa sa pagkabigla niya ay ang taong natutulog sa tabi niya—ang lalaking pinakaayaw niya sa lahat. Mas lalo pa siyang nabahala dahil ramdam pa rin niya ang init ng gabing iyon na ayaw man niyang aminin, ay tumatak sa isip niya. "Ano, gusto mong ituloy ito o gusto mong ibaon na lang sa limot at magpanggap na walang nangyari?" "Ang ibig mong sabihin, gusto mong akuin kitang responsibilidad ko dahil nagtalik tayo?" malamig na tanong ng lalaki, sabay taas ng kilay. Ang gwapo nitong mukha ay may halong pang-aasar na lalong nagpa-init ng ulo ni Desiree. Halos gusto na niyang sugurin at kalmutin ito. Halos sumabog sa inis si Desiree. Hindi man lang niya napag-isipan nang gano’n kalalim ang nangyari kagabi. "Hindi!" Sigaw niya, sabay irap at iwas ng tingin. "Isang beses lang iyon, wala nang dapat pag-usapan pa. Wala akong pakialam." Nagkibit-balikat siya at malamig na nagsabi, "Mas mabuti pang kalimutan na lang natin pareho ang lahat. Walang nasaktan, walang talo." Hindi naman siya magpapatali sa isang lalaki kahit pa... napakahusay nito sa kama. "Kung gano’n, ayos," sagot ni Terrence habang nag-uunat at naglakad palabas ng kwarto na parang walang nangyari. Ngunit bago siya tuluyang lumabas, lumingon pa ito at mayabang na nagsabi, "Sana lang hindi mo ipagmalaki kahit kanino na nakuha mo ako."
974 viewsOngoingAdded to Library 34 Times as adele love in the dark
Read
+Library
LOVE GAME WITH THE COLD CEO

LOVE GAME WITH THE COLD CEO

Forbidden Flower
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
1.9K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as adele love in the dark
Read
+Library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status