Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO

GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO

Bryll McTerr
Nang malagay sa binggit ng alanganin ang buhay ni Andrea Lucero dahil sa kagagawan ng asawa niyang si Stanley Redfern ay muling nagkrus ang landas nila ng guwapong doctor na si Trigger Guerrero. At para maprotektahan mula sa mga nagtatangka sa buhay niya ay dinala siya ng lalaki sa Quezon. Habang napapadalas ang pagkikita nila dahil nakatira siya sa beach house na pag-aari ng pamilya nito ay unti-unti ring natuklasan ni Andrea na sa paglipas ng mga taon ay gusto pa rin pala niya si Trigger. Pero paano kung matuklasan ni Trigger ang lihim ni Andrea? Makakaya pa rin kaya niyang tanggapin ang babae sa kabila ng lahat?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
Romance
1027.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Favorite Notification

Favorite Notification

YourMissPatatas
Si Clover ay isang babae na hindi nalalayo ang estado ng buhay sa iba. Gaya ng mga kabataan ngayon ay nahilig din ito sa social media, partikular sa Facebook site. Kabilang din ito sa mga taong naging sikat sa social media dahil halos araw-araw ay humahakot ito ng daang-daang likes. Marami na rin ang sumubok na ligawan siya sa kanyang Facebook account, ngunit palagi niya itong nire-reject. Para sa kanya ang mga lalaking nakilala lang dito ay hindi pwedeng seryosohin, puro landi-landi lang.Pero tila parang nag-iba ang ihip ng hangin at timpla ng kape ng makilala niya si Percy na parang may extended brain orb sa ulo, in short, abnormal, at palaging nanggugulo.Habang tumatagal ang communication nilang dalawa, ang akalang landi lang ay tila ba nag-iba.Is it possible to fall in love in social media?Kung sakali man, may kasiguraduhan kayang magtatagal ang relasyong binuo nila?
104.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Hide and Seek (TAGLISH)

Hide and Seek (TAGLISH)

Synopsis Bata pa lang si Katana ay mulat na s'ya maraming bagay, tulad ng kailangan n'yang malayo sa kan'ya ng mga magulang upang makapag trabaho sila para sa ikakabuti ni Katana. Lumaki s'ya sa puder ng kaniyang lolo at lola na magulang ng kaniyang ina. Namulat rin siya sa mundong hilig siyang i-chismiss kung saan-saan. Nang tumungtong siya sa edad na sampu ay do'n niya napagtanto na wala s'yang dapat pag katiwalaan kung hindi ang sarili n'ya lang at ang mga taong kilalang-kilala na n'ya. Grade 7 siya ng muling nalapit sa mga taong nakapaligid sa kaniya , si Trace ay isa sa taong nakilala niya at naging kaibigan–boyfriend niya no'ng grade 9. Si Vivian ang akala niya ay totoong kaibigan. Akala niya totoong kaibigan ang mga nakapalibot sa kaniya 'yon pala ay hindi. Grade 10 s'ya no'ng maakusahang gusto niyang patayin si Vivian ang akala n'yang kaibigan niya pero nag kamali s'ya, sobra-sobra ang pasakit na nangyari sa batang Katana at pinili na lang lumayo kasama ang taong hindi niya aakalain kakampihan siya at iintindihin siya. Akala niya ay ayos na ang lahat, ayos na ang bata niyang puso. Akala niya kaya na niyang muling makita ang mga taong pilit niyang pinapatawad no'ng nasa New York siya ngunit hindi pala gano'n kadali mag patawad, masakit pala. Gustong-gusto niyang mag patawad ngunit nasasaktan siya. Sabi nga niya ang bawat buhay natin ay may kasalanan tayong nagagawa at ang Diyos ay kaya tayong patawarin tayo pa kayang tao lamang? She found the forgiveness in her hearts. Napatawad niya ang lahat ngunit muli nilang wawasakin ang bagong Katana. Kaya n'ya bang muling mag patawad? kaya niya bang patawarin uli ang mga taong nagkasala sa kaniya ng paulit-ulit
Other
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.96.8K viewsOngoing
Read
Add to library
His Circus

His Circus

Remnis Luz
Maagang namulat si Luke Delval sa makamundong pamumuhay, natutunan niyang gamitin ang kaalamang ito upang makuha ang lahat ng kanyang ninanais at makaganti sa mga ginawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanya ang lahat ng iyon hanggang makasisiguro siyang masaya. Isang madilim na nakaraang ang pilit tinatakasan ni Fryeja Abigail Salazar, dulot na rin ng kawalang hiyaan ng kanyang ama. Dumating sa puntong tinaguan niya na ito para lang wag ng madamay pa, ngunit tila para bang nanadya ang tadhana dahil ang sekretong pinaka iingatan niya ay sumusunod pa rin sa kanya. Kaya ng magtagpo ang landas ni Luke Delval at Freyja Abigail Salazar, tila naging puno ng kaguluhan ang ginagalawan nilang mundo dulot na rin ng mga kanya kanyang pagkakamali.
Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
REVENGE OF AN ANGEL

REVENGE OF AN ANGEL

Si Angelyca Eunice Monteverde ay isang old fashion lady, may makapal na salamin sa mga mata at palaging nakapusod ang mahabang buhok. Solong anak siya at lumaking halos ang yaya lamang nito ang kasa-kasama sa bahay dahil palaging abala ang mga magulang sa kanilang negosyo. Nakilala si Harry Clyde Romualdez. Anak ng business partner ng kaniyang mga magulang. Noong una ay puno lamang ng pagtataka ang kaniyang nasa isip dahil may mga tanong ang mga magulang nila tungkol sa kani-kanilang estado pagdating Habang tumatagal ay naging magkaibigan sina Clyde at Angel. Nakilala ng dalaga ang lalaki na noon ay mayroon pa lang nobya—si Kyla. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nakipaghiwalay si Clyde rito. Nang ganap na maging malaya ay kaagad na pinormahan at niligawan nito si Angel na noon ay may lihim nang pagkakagusto rito. Ayaw pa nga nito aminin nung una pero dahil sa napansin ng kaniyang bestfriend na si Trisha ang bawat reaksyon ni Angel, na sa tuwing magkikita at magkakausap ang dalawa ay napagtanto nilang nahuhulog na nga ito rito. Naging sila pero maraming hadlang. Isa roon ang katotohanang dati pa lang magkasintahan sina Clyde at Trisha na piniling ilihim na lang ito kay Angel. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Si Loisha ay hindi sinasadyang narinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nakahanap ito ng ibubutas para magkahiwalay sina Angel at Clyde. Nagtagumpay ito dahil labis na nasaktan ang dalaga lalo na nang malaman nitong naghalikan sina Clyde at Loisha noong araw na makipaghiwalay ito rito. Mapapatawaba ito ni Angel? Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa gayong puno ng galit ang puso ng dalaga para sa Clyde?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless Mafia's Regret (R18+)

The Ruthless Mafia's Regret (R18+)

Nalugi ang negosyo ng mga magulang si Hannah Jimenez, kaya walang nagawa ang mga ito nang kunin siya ng malupit at cold na businessman man na si Cedric Rama upang maging kabayaran sa pagkakautang. Inalila niya ito para sa sariling kagustuhan at kalayawan kahit siya ang tunay na alipin ng sarili niyang pag-ibig. Ngunit hanggang kailan kaya magtiis ni Hannah kung hindi lang damdamin ang nasasaktan? Makakalis pa ba siya sa kulungan mula kay Cedric kung magkaiba ang sigaw ng puso at isip niya?
Romance
115 viewsOngoing
Read
Add to library
The Good Wife Revenge

The Good Wife Revenge

MissAlmond
Nag tatrabaho si Quelsy Arcela Guevara bilang waitress sa isang mamahaling restaurant. Nag iisa nalang ito sa buhay simula ng mamatay sa car accident ang kanyang mga magulang. She never had a boyfriend ngunit may isang lalaki itong lubos na hinahangaan. Walang iba kundi si Kavin Santiago, the CEO of Santiago Enterprise.    Dahil sa lubos na pag hanga ng dalaga dito ay mabilis na Nahulog ang kanyang puso. Hindi ito nag dalawang isip na pakasalanan si Kavin.  Hangang sa malaman nito ang totoong dahilan kung bakit sya nito pinakasalan.   Sa pag hihinagpis ni Quelsy, hindi nya inaasahan na meron syang masasandalan. Walang iba kundi si Emmett De Castro, ang matalik na kaibigan ng kanyang asawa.  Sa pag tutulungan nilang dalawa, magawa kaya nilang pabagsakin ang lalaking nag bigay ng hinagpis sa mga puso nila?  Masumpungan kaya nilang dalawa sa isat-isa ang tunay na pag-ibig? O di kaya mapabilang nalang din sila sa mga nabiktima ng mga taong lubos na nag kasalanan sa kanila.  
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status