Falling For The Billionaire CEO
𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢?
Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas.
Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?