Love Revenge Game
***
Isang malamyos na boses ang aking narinig nang nagtungo ako sa departamento ng Art Editors upang iabot ang isang liham ng pag-ibig sa isang nilalang na nagpatulong sa akin upang buoin ang kaniyang saloobin sa babaeng nagpatibok ng kaniyang puso.
“I, Wreign Kinsdex Oliver, one of the tiptop art editors here at Villaruelʼs Game Launching Company, will do my best just to fulfill my deepest affection for you, Carlisle Xier Cuernavaca,” pagsasalaysay niya sa isang dalaginding na hindi gaanong katangkaran.