The Ruthless Zillionaire Contract Wife
Nang mamatay ang ama ni Maureen, halos gumuho ang mundo niya. Naiwan siyang mag-isa, at kasabay nito ay ang milyong-milyong utang na hindi kayang bayaran ng kanilang bahay o negosyo. Ang madrasta niyang ubod ng sama, na tila kamag-anak ni Lucifer, ay sinisi siya sa lahat ng kamalasan. Pinagbantaan pa siya nito na kung hindi makakapangasawa ng mayaman ay papalayasin siya nito, na ikinatakot niya, dahil wala na siyang ibang matatakbuhan.
Parang pinagsakluban siya ng langit ng matanggal pa siya sa trabaho. Pero biglang nagbago ang lahat nang ipatawag siya ng boss niyang ubod ng lamig. Inalok siya ng kasal. “Marry me, I'll pay your debt and I'll introduce you to my family to be able to receive my heritage from them. Just contract marriage, no feelings involved, let's call it business.”
Dalawa lang ang pagpipilian ni Maureen: maging palaboy o tanggapin ang alok. “Deal,” sagot niya. Kahit tatlong taon siyang magtitiis sa pagiging asawa ng boss niyang cold-hearted.
Sa unang buwan ng pagiging mag‑asawa nila sa papel ay naging madali kay Maureen. Naging sekretarya siya ng boss niya at magkasama sila sa iisang bahay. Wala silang pakialaman pagdating sa trabaho; madali lang para sa kanya magpanggap bilang asawa.
Ngunit habang patagal nang patagal ang relasyon nila, nagsimula nang magbago ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Nagsimula na ring mag‑alala ang lalaki kay Maureen. Si Maureen ang naging dahilan kung bakit nagbago at lumambot ang naninigas nitong puso.
Dumating na nga sa punto na matatapos na ang kontrata, ngunit hindi ang pagmamahal ni Maureen para sa boss niya. Nagdadalawang‑isip pa siya kung tatanggapin na ba niya sa kanyang sarili na ang boss niyang nyebe ay mahal niya na o tatapusin niya na lang ang kontrata at magsisimulang mamuhay muli na walang boss na nyebe sa kanyang buhay.