The Silent Billionaire
Madeson-Luke Salazar ang tunay na pangalan ni Lucas ang kaisa-isang tagapag mana ng pamilya Salazar ang lahat ng ari-ariang naiwan ng yumao niyang ama na hindi man lang nito nasilayan.
Isang proposal ang inalok ni Lea kay Lucas na tinanggihan naman ng binata.
Sa kalaunan ay nagsisi din ang binata sa pag tanggi sa alok ng dalaga. Napag tanto ng binata na mahal niya pala ang babaeng tinanggihan niya. Si Leah Martinez ang kababata ni Lucas na labis ang pagmamahal sa binata hindi nito ikinahihiya ang pagka gusto nito sa binata.
Dahil sa kabiguan sa binata ay lumayo ito upangangibang bansa at makalimot sa binata.
Nagbalik si Leah na may asawa na ito si Noel at labis ang pag hihinagpis ni Lucas dahil hindi na niya maaaring mahalin ang babaeng matagal niyang hinintay sa loob ng ilang taon kaya naman ay ibinaling niya ang pagtingin sa ibang babae. Umosbong ang bangayan sa pagitan ni Leah at Noel. Ang resulta nagulo ang mundo ng dalawa. Isang trahidya ang naganap sa buhay ni Leah at ng kanyang Asawa na si Noel. Natuksalan ni Lucas na isa pala siyang Ampon ng mag asawang Remi at Isko at ang totoong magulang nito ay isang mayaman at siya ang kaisa isang tagapag mana ng Billionaryong si Luis Salazar.
Nagka amnesia si Leah kaya naman ay hindi niya nakilala ang binata, subalit habang hindi niya naalala ang binata ay lihim na niya ito minahal na hindi alam ng binata.
Mapa ibig pa kaya ni Lucas si Leah sa puntong malaman ng dalaga na dati niya na pala ito inalok ng kasal.
Ang dating Leah Martinez ay kilala ang mahirap na si Lucas, ngunit ang bagong leah ay kilala niya ang binata na bilyonaryo.
Kaya bang ipag tapat ng binata sa kanya na isa pala siyang billionaryo?