Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Manugang kong Hamak

Ang Manugang kong Hamak

Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Mysterious Baby

My Mysterious Baby

Sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa kanyang kalasingan naibigay niya ang kanyang katawan sa isang misteryosong lalaki na hindi niya kilala. Naglasing siya dahil sa walang kwenta niyang kasintahan na matagal na niyang boyfriend. Nagbabalak na rin silang magpakasal sana pero dahil sa natuklasan niya itong nakikipagtalik sa kanyang kababata. Hindi niya akalain na magagawa nila ito sa kanya kaya sa galit niya nag bar siya at doon niya naibigay ang kanyang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Inalok siya nito na magpakasal sa kanya na kanyang tinanggihan pero dahil sa lagi siyang inaabangan ng kanyang dating kasintahan tinanggap niya ito. It's a contract marriage na kanilang napagkasunduan. Isa itong kwento na magpapatawa at magpapaiyak sayo. Lot of thrills in this story.
Romance
1022.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Lust in Paradise

Lust in Paradise

"Sarili kong ina, karibal ko." Nang makilala ni Anika si Daryl, hindi napigilan ng dalaga ang humanga sa guwapo pero arogante at dominanteng binata—the sexiest and youngest son of the Altagrasia family. Hindi rin maikakaila na attracted ito sa kaniya. Subalit may problema. Si Daryl Altagrasia ay ang anak ng lalaking pinakasalan ng mommy niya. In short, he's her stepbrother. Buong akala niya, iyon lang ang magiging hadlang sa pagtingin niya para dito, pero isang sikreto ang natuklasan niya na gumimbal sa kaniyang sistema. Daryl is the secret lover of her mother.
Romance
9.737.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Governor's Affair

The Governor's Affair

author.lavelle
Nahulog sa bitag ng pekeng pagmamahal ng tumatakbong Gobernador na si Alessandro Tuazon si Maisie Trinidad . Dahil sa pag-aakalang tunay ang pagmamahal nito ay binigay niya ang sarili kay Alessandro at pumayag kaagad na magpakasal sakaniya. Ngunit sa hindi inaasahan ay parte pala lahat ito ng plano. Sa maling pagtibok ng puso niya ay nawala sa kanya ang lahat: pamilya at kayamanan. Nilisan niya ang bayan ng La Mystika at sa kanyang pagbabalik, kasama ang apat na gulang na anak ay wala siyang ibang hangad kundi ang maghiganti kay Gobernador Alessandro at sa pamilya nito. Magiging matagumpay kaya si Maisie o siya'y mabibigo at muling magpapadala sa tibok ng puso?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Gumuho ang isa sa mga pangarap ni Naneng Araneta ang magkaroon ng magandang relasyon nang harap-harapan niyang nasaksihan ang panloloko ng kanyang nobyong si Raze Almirante at ang kanyang matalik na kaibigan na si Sheena Lopez—isang gabi sa mismong condo ng nobyo. Matapos ang tatlong-taon na panloloko ng nobyo sa kanya, napagdesisyonan ni Naneng hiwalayan ito't magsimula ng panibagong pangarap—para sa kanyang sarili, at maging sa mga kapatid na rin. Ang pangarap na muntik na sanang maabot, ay nauwi sa isang mabigat sa loob na desisyon. Ngunit, bagaman, nawala man iyon ay alam niyang may panibagong darating—iyon ay ang magkaroon ng panibagong trabaho sa isang malaking kompanya ng Exhibition Space kung saan dito niya ulit makikita si Kid Gabriel Alcantara—ang pinsan ng dating amo nito. Isang gabi sa isang malaking event ng Exhibition Space—hindi inaasahan ni Naneng na ang patikim-tikim lang sana ng alak ay nauwi sa pagkalasing nito. Nang kinabukasan, nagtaka—nagtanong sa sarili kung paano siya napunta sa isang hindi pamilyar na lugar. Saka niya lang naalala ang lahat nang makita si Kid na nakatayo sa paanan ng kama. Dahil sa takot at reputasyon niya bilang babae—nakiusap siya kay Kid na itago na ang lang lahat na nangyari sa kanila. Bagaman, pumayag si Kid nang magkaroon ng isang kondisyon; iyon ay ang maging tagapagbigay ng aliw sa kanya tuwing nangangailang ang katawan nito. Mabigat sa kalooban ni Naneng ang kasunduan na iyon. Ngunit, kinakailangan niyang sumang-ayon dahil kilala niya ang binatang iyon; may pangalan sa kumunidad. Isang Alcantara na magiging bangungot sa kanyang kinabukasan at hindi niya matatakasan; nagtapos sa pagtanggap ng alok.
Romance
1023.1K viewsOngoing
Read
Add to library
HER GAME

HER GAME

realisla
THE GAME SERIES Book 1 out of 5 "So better be wise enough in playing because this is much more exciting than her game." Si Akemi Sean Lee, isang babaeng nagmahal, nasaktan at maghihiganti. Matapos ang trahedyang itinuring bangungot sa tanang buhay niya, binago niya ang sarili sa dating siya. Nagsikap, nagtapos, at nagpakadalubhasa siya sa New York sa engineering. Makalipas ang limang taon, bumalik siya ng Pilipinas. Wiser. Bolder. Braver. Bumalik siya para sa tatlong taong nagsukdol sa kanya sa kahirapan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Puso sa puso. Nagbalik siya para sa kanyang laro—ang laro ng paghihiganti. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa kanyang laro, may malaking bagay pa siyang matutuklasan. Isang bagay na dudurog muli sa kanyang puso at pagkatao. Paano niya kaya haharapin at malalagpasan ang larong inakala niyang kanya?
Romance
102.5K viewsCompleted
Read
Add to library
STILL, LOVING YOU

STILL, LOVING YOU

Dahil sa paratang kay Bhelle Alonte na nakipag-sex ito sa kaibigan nitong lalake ay masisira ang magandang relasyon nila ng kasintahan nitong si Tyrone Del Mundo. Makalipas ang limang taon ay muling magtatagpo ang landas ng dating magkasintahan. Si Tyrone bilang masungit at malamig ang pakikitungo sa lahat na isang CEO ng sarili nitong kumpanya. At si Bhelle na bagong secretary ni Tyrone. Pero dahil sa kanilang nakaraan ay magiging kalbaryo kay Bhelle ang muli nilang pagtatagpo ng lalakeng minsan na sa tanang buhay niyang minahal ng lubusan pero siya ring dumurog sa puso niya ng lubusan. Maghihilom pa kaya ang puso nilang sugatan kung sa kasalukuyan ay pareho lang naman silang nagkakasakitan?
Romance
107.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Affinity Romance with the Billionaire

My Affinity Romance with the Billionaire

Simpleng babae na may mataas na ambisyon, ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. Para kay Charline Jaya, edukasyon ang maghahatid sa kan'ya sa tagumpay upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Subalit napilitan s'yang magbenta ng katawan upang magkaroon ng pangtustos sa pag-aaral. Alexander Vergara, isang gwapong bilyonaryo na kilala sa pagiging playboy. Paano magiging malalim ang kaugnayan nila sa isa't isa? At bakit ba tila pinaglalaruan sila ng tadhana? Dahil makalipas ang ilang taon ay muli silang pinagtagpo. Ngunit sa maling panahon at pagkakataon. Kung kelan handa nang talikuran ni Charline ang kahapon at yakapin ang bukas na kapiling ang lalakeng nagmahal at tinanggap ang buo n'yang pagkatao.
Romance
1034.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Boss Twin Babies

Her Boss Twin Babies

Si Laura ay isang babae na namulat sa madumi at magulong buhay sa lansangan. Maagang naulila sa magulang kaya mag-isang nilalabanan ang hirap ng buhay, ngunit hindi nagpatalo ang musmos niyang katawan at pag-iisip. Gamit ang sariling pagsisikap at diskarte sa buhay, iniahon niya ang sarili mula sa lugmok na kapalaran. Ngunit sa kasabay ng pag-angat ni Lara ay ang pag-pasok ni Eugene sa kaniyang buhay, na hindi nagtagal ay inibig narin niya. Ang nararamdaman niyang ito ay maghahatid sakaniya ng isang malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na babaliktad sa mundo niya at labis na dudurog sa pagkatao niya. Nakahanda ba siyang ipag-patuloy ang pag-ibig sa taong may may mahal pang iba? Handa ba siyang tumayong Ina para sa anak na nagmula sa babaeng kaagaw niya?
Romance
1055.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status