Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

Sa loob ng tatlong taon, iniwan ni Karylle Granle ang lahat—karera, pangarap, at kalayaan—para maging ulirang asawa ni Harold Sanbuelgo. Ngunit nang magising ang pinsan niyang minsan nang inagaw ang puso ni Harold, bumagsak ang mundo ni Karylle. Sa harap ng isang divorce agreement, pilit siyang pinipirmahan ni Harold, tinatanggal ang lahat ng dignidad at pagmamahal na minsan niyang inialay. Ngunit sa halip na magpakaapi, pinili ni Karylle na maging malaya. Binitawan niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Harold para magsimula muli.
Romance
8.8177.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally carrying the billionaire's TWINS

Accidentally carrying the billionaire's TWINS

Isang surrogate mother si Tiffany at iniwan ang sanggol sa kaniya. Malalaman niya na ang nobya ni Seth(boss niya) ang siyang nag iwan sa kaniya ng sarili nitong anak. Nunit wala siyang kaalam alam na ang kambal na iyon ay sarili niyang anak sa boss na si Seth dahil pinagpalit ni Aurelia (nobya ni Seth) ang sperm nito sa kalaguyo para sa kanila mapunta ang kayamanan nito. Gagawin ni Aurelia ang lahat para lang mabura sa landas ang tunay na anak ni Seth ngunit hindi iyon hahayaan ni Tiffany. Ngunit hanggang saan niya kayang ipaglaban ang mga batang buong akala niya ay hindi niya anak? Hanggang saan din ang kayang ipaglaban ni Seth ang pagmamahal niya para kay Tiffany gayong ayaw siyang pakawalan ni Aurelia?
Romance
1013.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1010.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Tycoon's Foolish Wife

The Tycoon's Foolish Wife

Claret Angelique Montealegre the unwanted wife of a famous billionaire, Primo Gabriel Montealegre. Si Claret ay nakuntento sa kung anong kayang ibigay ni Primo sa nakalipas na 3 years nilang pagsasama bilang mag-asawa. May mahal na iba si Primo bago pa sila ikinasal habang si Claret ay unti-unting nahulog sa kaniya. Pero paano nalang kung humingi ng annulment si Primo dahil sa natuklasan nito at sa pagbabalik ng totoong nagmamay-ari ng puso nito? Makakaya kaya ni Claret na magtiis kahit harap-harapan na siyang tinataboy ni Primo? Mababago niya ba ang desisyon ni Primo na iwanan siya para sa babaeng mahal nito na si Selene Angelic D'Andrea? Ano nalang ang magiging kapalaran ni Claret ngayong buntis siya? Maibubunyag niya kaya ang mga sekreto ni Selene? Anong nakatago sa mapagpanggap na katauhan ni Selene? Will they ever find out about the secrets she holds?
Romance
64.0K viewsOngoing
Read
Add to library
In Love With My Husband's Son (Filipino)

In Love With My Husband's Son (Filipino)

Jay Sea
Nagpakasal si Celine ng wala sa tamang oras sa isang biyudong mayaman na may isang binatang anak na ang pangalan ay David Gonzalo kahit hindi niya ito mahal. Matapos ang kasal nilang dalawa ay dinala siya nito sa mansion kung saan nandoon ang anak nitong binata na hindi makapaniwala na ang daddy niya ay may bagong asawa na. Unang kita pa lang ni Celine kay David ay nasabi na niya sa sarili niya na gusto niya ito. Wala pa ngang isang linggo ay natagpuan na lang na wala nang buhay ang daddy ni David na pinakasalan nga niya. Galit na galit sa kanya si David sa nangyaring 'yon. Inaakusan siya nito na pumatay sa daddy niya ngunit tinatanggi naman niya 'yon. Pinapaalis na siya ni David sa mansion nila. Kahit mahal niya ito ay umalis siya sa mansion na 'yon. Makaraan ang ilang taon ay nagkita silang muli ni David. Bumaliktad ang takbo ng buhay nilang dalawa. Kung dati siya ay mahirap ngayon ay si David na ang naghihirap. Winaldas nito ang perang pinamana sa kanya ng daddy niya. Nawala ang lahat sa kanya. Gusto ni David na tulungan siya ni Celine. He knows that she became rich because of his dad's money. Tulungan kaya siya ni Celine? Mahal pa rin ni Celine si David ngunit sa tuwing makikita niya ito ay naalala niya ang masasakit na salitang binitawan nito sa kanya. Paano kung iparanas rin ni Celine ang naranasan dati sa kanya kahit may nararamdaman pa rin siya sa kanya?
Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Anning
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Romance
451 viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Saltzman Rejected Wife

Mr. Saltzman Rejected Wife

Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat. Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad. Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya. Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
Romance
9.419.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

Si Maria Chestine Salva–Selvestre ay isang butihing may bahay na mayroong masayang pamilya kasama ang anak niyang si Jonas at asawang si Johan Selvestre. Wala nang ibang mahihiling pa si Chestine dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay ipinagkaloob na sa kanya. Ngunit tila mababago ang lahat sa buhay nila nang dumating si Eunice Casson, ang kinuhang Nanny ni Johan para sa anak nilang si Jonas na may lihim palang pagtingin sa kanya. Kinalaunan ay may mamumuong lihim na relasyon sa pagitan nina Johan at Eunice na ikasisira ng buo at masayang pamilya ni Chestine. Malaman kaya agad ni Chestine ang lihim na pagtataksil ng mahal niyang asawa? Makaya kaya ng konsensya ni Johan na ipagpatuloy ang bawal nilang relasyon ni Eunice? Hanggang kailan maitatago ni Johan ang marumi niyang sikreto?
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status