Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
Romance
10232 viewsOngoing
Read
Add to library
MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

Si Maria Chestine Salva–Selvestre ay isang butihing may bahay na mayroong masayang pamilya kasama ang anak niyang si Jonas at asawang si Johan Selvestre. Wala nang ibang mahihiling pa si Chestine dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay ipinagkaloob na sa kanya. Ngunit tila mababago ang lahat sa buhay nila nang dumating si Eunice Casson, ang kinuhang Nanny ni Johan para sa anak nilang si Jonas na may lihim palang pagtingin sa kanya. Kinalaunan ay may mamumuong lihim na relasyon sa pagitan nina Johan at Eunice na ikasisira ng buo at masayang pamilya ni Chestine. Malaman kaya agad ni Chestine ang lihim na pagtataksil ng mahal niyang asawa? Makaya kaya ng konsensya ni Johan na ipagpatuloy ang bawal nilang relasyon ni Eunice? Hanggang kailan maitatago ni Johan ang marumi niyang sikreto?
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My gay husband (TAGLISH)

My gay husband (TAGLISH)

High school palang ay crush na crush na ni Trixie si Ken kahit na alam niya ang secreto nito, na isang bakla si Ken. Maraming babae ang nagkakagusto pero ang di nila alam na kagaya nila, lalaki rin pala ang gusto ni Ken. Nang maka graduate sila ng college ay napilitan si Ken na pakasalan si Trixie dahil sa mga magulang nila, labag man sa kalooban niya ay pumayag siya kahit na may kasintahan na itong lalaki. May pag-asa kayang magkagusto ang isang bakla na kagaya ni Ken sa babaeng pinakaayaw niya sa lahat? Ilang taon pa kaya ang dadaan bago pa ma-realized ni Ken kung gaano siya kamahal ni Trixie? Lagi nalang ba silang parang aso at pusa na laging nag aaway?
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The CEO'S Baby

Hiding The CEO'S Baby

Pagkatapos mamatayan ng kanyang fiance' ay halos malugmok sa lungkot at sakit si Timothy. Pero isang gabi na napagpasyahan niya na pansamantalang lumimot sa isang bar kung saan madalas niyang puntahan ay nakita niya ang mismong kakambal ng kanyang namatay na fiance' na si Heilena. Iniuwi niya ito sa kanila at sa labis na pagkasabik. Pero nang gabing pagkakamaling iyon ay kahit sa una at huling pagkakataon ay naramdaman niyang kailangan siya ng binata at may nangyari ngasa kanila. lena na lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon ay pawang pagkakamali lang. Lumuwas siya sa ibang bansa. Sa pagbabalik nila sa Pilipinas makalipas ng limang taon ay nagkita silang muli ni Timothy. Mabihag na kaya ni Heilena ang puso ni Timothy sa pagbabalik niya? Malaman na kaya ni Timothy na may anak sila ni Heilena? Paano kung bigla na lang nilang matuklasan na ang inakala nilang namatay nang kakambal ni Heilena na si Heilen ay buhay pa la?
Romance
10151.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Romance
1016.3K viewsOngoing
Show Reviews (10)
Read
Add to library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Read All Reviews
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
Romance
1015.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

"Hinding-hindi ko na siya mamahalin!" Si Dexie Hansley ay ang nakamamangha at mapagmahal na asawa ni Luke Huxley Dawson, ang bata, kaakit-akit, at matagumpay na pinuno ng isang bilyong dolyar na kumpanya. Sa kabila ng pangako ni Dexie kay Luke Huxley Dawson, hindi niya kailanman natanggap ang pagmamahal at atensyon na kailangan niya mula sa kanya bago ang kanyang hindi napapanahon at trahedya na pagpanaw. Matapos makakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kinumpleto ni Dexie ang diborsyo at tinapos ang kanyang isang panig na relasyon kay Luke Huxley Dawson. Gayunpaman, ang desisyong ito ay nag-trigger ng pagbabago kay Luke Huxley Dawson, na ngayon ay lantarang lumalaban sa kanyang nakaraang pag-uugali. Maisasaalang-alang pa ba ni Dexie na bigyan ng isa pang pagkakataon si Luke Huxley Dawson na mabawi siya? Ano ang mangyayari kapag sinubukan ni Luke Huxley Dawson na bawiin siya?
Romance
68.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna. Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing The Wife He Threw Away

Chasing The Wife He Threw Away

Akala ni Krystal ang pagmamahalan nila ni Conor ay pangmatagalan na, hanggang sa planuhin ni Valeria, ang nanay ni Conor na sirain ang pagmamahalan nila. Ginamit ni Valeria si Celeste dahil ito ang gusto niyang babae para sa anak niya. Gusto niyang mawasak ang pagmamahalan nilang dalawa ni Conor para magawa niya ang plano niya na maipakasal si Celeste at Conor. Dahil sa sakit ng nangyari, tinago ni Krystal ang anak nila ni Conor, ngunit dahil sa stress ay agad niya itong ipinanganak at sinabi sa kaniya na ito na ay pumanaw. Dahil sa sakit ay tumakbo siya paalis dahil doon ay naaksidente siya at nakalimot. Pitong taon ang lumipas, nagkita silang muli, si Krystal bilang jewelry designer, si Conor na may ari ng isang shop at may anak na. Ngunit dahil sa pagkawala ng kaniyang alaala ang dati niyang pagmamahal kay Conor ay tuluyan na niyang nakalimutan. Muli kaya niyang maibabalik ang alaala na nawala sa kaniya? Paano kung maibalik niya ang alaalang ito? Kakayanin niya kayang dalhin muli ang sakit nito?
Romance
9 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status