Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
Romance
9.241.3K viewsOngoing
Read
Add to library
DADDY NINONG (SPG/R-18+)

DADDY NINONG (SPG/R-18+)

"Alam kong mali, pero siya ang hinahangad ng puso ko " Si Kelly Joanne Mallen ay isang single mom. Maaga siyang nagkaroon ng anak. Kaya kahit pa may kaya ang pamilya nila ay mas pinili niya na tumayo sa sarili niyang paa para buhayin ang kanyang anak. Nagsusumikap siya para sa kanyang anak. Kaya naman nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na naghahanap ang ama nito ng secretary ay kaagad siyang nag-apply. Mabilis naman siyang tinanggap ng kanyang Daddy Ninong. Ang ninong niya sa kumpil at kaibigan ng kanyang ama. Daddy Ninong ang tawag niya dahil nakikigaya lang siya sa kanyang bestfriend hanggang sa nakasanayan na niya ito. Ngunit ano ang mangyayari kung palagi silang magkasama? May pag-asa kaya? May pag-asa kaya sa kanya ang kanyang Daddy Ninong Charlie El Salva? O may pag-asa kaya siya sa puso ng lalaking lihim niyang hinahangaan kahit alam niyang bawal?
Romance
9.820.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Will Never Feel Longing For You

Will Never Feel Longing For You

Naiinis si Shaun Dale kay Dahlia. Hayagan kasi ang pagkagusto nito sa kanya at kulang na lang ay haranahin siya. Para kay Dahlia ay hindi niya dapat ikahiya ang kung anumang nararamdaman niya para kay Shaun Dale. She’s in love kaya ano’ng magagawa niya kundi iparamdam at ipakita iyon. Kahit na palagi siya nitong sungitan hindi niya talaga mapigilan ang nararamdaman. Mas mabuti ng masabi kaysa manahimik siya sa isang tabi. Mas lalong nadagdagan ang inis ni Shaun Dale nang itakda silang dalawa para magpakasal. Tuwang-tuwa naman si Dahlia. At dahil pursigido si Dahlia sa ‘panliligaw’ ay hindi na rin napigilan ni Shaun ang tablan sa taglay nitong kapilyahan. Kung kailan naman tila nahulog na siya, saka siya tinakbuhan ni Dahlia sa araw ng kasal nila at hindi na nagpakita pa. After a couple of years muli silang nagtagpo. Is he still longing for her? Iyon ang tanong niya sa sarili. Hindi dapat. Dahil kung totoo ang ipinaramdam nitong pagmamahal bakit siya nito tinakbuhan sa kasal?
Romance
104.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife

The Billionaire's Ex-Wife

Naging masaya ang pagsasama ni Kimberly at Alex sa loob ng ilang buwan. Hindi man gusto ng mga magulang ni Alex ay itinuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Kim at napagpasyahan nilang manirahan nalang sa New York. Dahil sa isang aksidente ay nagbago ang kanilang buhay. Hindi siya makapaniwala na ang tanging taong nagmamahal sa kaniya ay nawala na. Napag-isipan niyang bumalik nalang sa Pilipinas dahil alam niyang mabubulok lang siya sa New York. Ikinagimbal naman ng sarili niya nang makita ang isang diyaryo kung saan kalat na sa buong bansa ang engrandeng engagement party ni Alex at ng bagong fiancée nito, na ang nakakagulat pa ay pinsan niya itong is Breatrice. Hindi alam ni Kim kung ano ang magiging reaksyon niya sa nalamang balita. Ang akala niyang napayapa nang asawa, ay magpapakasal na pala ngayon sa bagong fiancée nito. Hindi naman inaasahan ni Kimberly ang mangyayari, hindi siya kilala ni Alex, at lalong hindi na rin siya mahal ng lalaki. Matagal ding ipinilit ni Kimberly ang sarili niya kay Alex, ngunit kahit ano pa ang gawin niya ay mukhang hindi na talaga siya kilala ng lalaki. Kimberly needs to redeem herself again. Nawala siya sa kaniyang sarili simula nang malaman niyang patay na ang asawa, at ngayon na hindi na siya kilala nito, mas lalo namang lumakas ang loob ni Kimberly na magpursigi sa buhay. She wants to prove herself, ipapakita niya sa buong pamilya ni Alex na ang dating babaeng kinukutya nila ay nawala na.
Romance
9.584.8K viewsCompleted
Read
Add to library
You're My Everything

You're My Everything

"Good afternoon sir. Deposit po ulit?" saka ako ngumiti ng pilit. ''Yes please. Sabi ko naman sa'yo araw-araw akong babalik e. Ibigay mo na kasi number mo." "Hay naku sir, ako ang magbibigay sa'yo .." "Claire ano ba, wag ka nga.." putol ko sa sasabihin pa nya. "O sige. Let's date then." A happy-go-lucky Australian-Filipino man change his ways for a naive and strong-willed woman, how they fell in love despite their differences and how beautiful their relationship has become after so many struggles they've met along the way. The sweetness and bitterness of their love journey and how they conquer to stand with each other from kilig moments to a whirlwind romance... Get hooked with Andy and Ash and be inspired with their love escapades.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PADRE TIAGO

PADRE TIAGO

Si Padre Santiago Baldemor o Tiago ang bagong talagang kura-paroko sa San Sebastian. Kinahuhumalingan siya ng mga tao at kabataan sa bayan dahil sa kanyang kabaitan at pagiging aktibo sa simbahan. Ngunit hindi ito ang kanyang mukha sa kanyang sampung sakristan sapagkat kinatatakutan siya ng mga ito, maliban lamang kay Angelo. Sa tuwing nag-iisa ang sakristan na si Angelo sa presensya ni Padre Tiago, ito naman ang panahon na lumuluhod siya hindi sa altar kundi sa harapan ng kura-paroko. Araw-araw sa ano mang oras, luluhod siya upang sambahin ang katawan ni Padre Tiago. Para kay Angelo, nagsisilbi itong bendisyon sa kanyang uhaw na pagkatao.
LGBTQ+
1029.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Anna

Anna

Galing sa pinakamahirap na isla ng Isla Verde si Anna Matumbakal, galing sa mahirap na pamilya at mayroong anim na kapatid. Mahirap ang buhay kaya nangarap na sana balang araw makapunta ng Maynila para makapagtrabaho. Pero nangangamba siya kung makakahanap nga eh highschool lang naman ang tinapos nya at higit sa lahat hindi naman sya kagandahan at maliit din siyang babae, na matatawag mo nang bansot, pandak o kung ano pa. Ang ina niya lang ata ang laging nagsasabing napakaganda niya. Pero dahil sa tulong ng kanyang best friend na lumipat ng maynila limang taon na ang nakakaraan ay natupad na ang kanyang pangarap na makapunta ng maynila at makapagtrabaho para matulungan ang kanyang amang pangingisda lang ang alam na hanap buhay at inang naglalabada. okay naman sana ang lahat, kaso sa hindi inaasahan tumibok ang puso nya sa isang lalaking nag ngangalang Marcus John Maxwell, ang nagiisang tagapagmana ng Maxwell group of company. Sa tuwing makikita nya itong kumakain sa restaurant kung saan sya nagtatrabaho bilang waitress ay mabibilis ang tibok ng kanyang puso at para syang nasa paraiso kasama ito. kaso ngalang napakasungit nito at TAKEN na! sampung taon na daw ang relasyon nito sa long time girlfriend nitong si Meghan Lim. Lagi nalang akong nangangarap na sana maging akin nalang siya, sana magkatulad kami ng mundo. Pero alam ko kahit baliktarin pa ang mundo mananatiling langit sya at lupa ako, na sana ako nalang! pero isa lang naman itong pangarap na kahit kailan hinding hinding mangyayari.
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Quit Playing Games (Tagalog)

Quit Playing Games (Tagalog)

"Sabihin na lang natin na pagod na ako sa paglalaro at nais kung tigilan na ito? Gusto kong mapalapit sa iyo dahil gusto kita. Nais kong malaman kung pareho ba tayo ng gusto o mali lang ang interpretasyon ko sa kilos mo?" "Hindi, tama ka," pag-amin niya. "Pero nitong hapon lamang ay sinabi mo na ako ay isang komplikasyon na hindi mo kailangan." "Over-analyzing is second nature to me. It’s helps me more often than I care to count. Ngunit hindi sa pagkakataong ito." "Parang hindi naman ganoon iyon," masuri niyang sinabi. "Marahil ay narealized mo lamang na walang magandang patutunguhan ang pakikipagrelasyon sa akin." "I don’t care about the future. Ang tanging mahalaga lamang ay kung ano ang narito at ang ngayon. " Humakbang siya patungo sa kanya, pagkatapos ay isa pa, hanggang sa halos malanghap na niya ang halimuyak ng kanyang balat. “Ano ang masasabi mo, Lara?" he asked hoarsely. "Handa ka bang makipagsapalaran sa akin?"
Romance
109.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status