Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
My Wife Is An Assassin

My Wife Is An Assassin

Labing walo taong gulang si Erica nang mabuntis siya ni Gregory Hans Miller dahil sa one night stand. Napilitan na pakasalan siya ni Greg dahil sa utos ng kanyang grandfather. Sinisisi siya ni Greg dahil sa pag hihiwalay nila ng kasintahan nito si Amira. Sinaktan at itinuring na katulong imbes na asawa. Nag offer si Greg ng sampung milyon kapalit na pipirmahan ang annulment papers at mawawalan ng karapatan si Erica bilang ina ni Greyson na kanilang anak. Nagmakaawa si Erica kay Greg kapalit ng magiging nanny siya ng kanilang anak sa loob ng isang taon. Pagkalipas ng isang taon. Kahit labag sa kalooban. Napilitan umalis si Erica para magpakalayo at kalimutan ang pagiging ina ni Greyson. Malaki ang pag sisi ni Greg dahil huli na ang lahat nang matanto niya na umiibig siya sa kanyang asawa. Hinanap ni Greg ang kanyang asawa subalit nawala na lang ito na parang bula. Pagkalipas ng anim na taon. Muli niyang nakita ang kanyang asawa. Subalit malaki na ang pinagbago ni Erica. Isang matapang at palaban na babae.
Romance
1025.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
Romance
1026.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1025.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Play with me, Mr. Rafa

Play with me, Mr. Rafa

Isang mabuting anak si Nathalie Jimenez sa kanyang mga magulang ngunit pinipilit siya ng mga ito na magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Isang matagumpay na business man si Rafael Blake. Halos nasa kanya na ang lahat. Nagtatrabaho si Nathalie sa Blake Company at may lihim na pagtingin kay Rafael ang pinsan ng kanyang boss. Isang gabi ay may nangyari sa kanila dahil sa truth or dare na laro ng kanilang mga kaibagan. Pagkatapos nang gabing iyon ay naging friends with benefits na sila. Magbabago ba kasunduan nila? Paano kung may sekreto si Rafa, matatanggap kaya ito ni Nathalie?
Romance
1020.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)

The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)

"I will make you mine. I am not Phoenix Dark Mariano for nothing." Julliana Delos Reyes is a brave and gorgeous woman. Matapos ang isang trahedya sa buhay niya ay pilit siyang ipinakasal ng kaniyang tiyahin sa lalaking hindi niya kilala. David Asuncion, made her life miserable, palagi siya nitong binubugbog at ipinapahiya sa mga nagiging babae nito. In order to protect her daughter wala siyang magawa kung 'di tiisin ang lahat ng 'yon. Not until, she met Phoenix Dark Mariano. Nakuha ng binata ang atensyon niya dahil sa kakaiba at misteryosong presensya nito. Phoenix Dark Mariano is a CEO of XV Company, ngunit nakatago ang tunay niyang pagkatao bilang Mafia Lord. Nang makita niya si Julliana ay tila nagbalik muli ang isang bangungot sa buhay niya. Gusto niyang mas makilala pa ang pagkatao nito. Ngunit paano kung malaman niyang kasal na ito at may pamilya na? Are they both willing to commit sins in order to be happy? Paano kung malaman ni Julliana ang tunay niyang pagkatao pati na ang kaniyang pakay? Kapwa pa ba nila maituturing na pag-asa ang bawat isa kung ang nakaraan nilang dalawa ay ang dahilan ng pagkasira nila?
Romance
1025.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ninong Senator's Contract Marriage

Ninong Senator's Contract Marriage

Nang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magpa-sexy siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim na ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
Romance
1021.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.823.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Conrad Lexus Farris. All he wanted is to skip his toxic life away from the city for a while. Dawn Zelena Augustino. All she wanted is to finish her studies and find a great job to achieve her dreams in life. But when their paths crossed, kapwa nagulo ang payapa nilang buhay. Hindi man maganda ang una nilang pagtatagpo, naging daan naman iyon upang makilala nila ang isa't-isa. But the summer that made their heart extremely happy, was also the summer that made their heart empty. Akala ni Dawn, kaya niyang ibaon sa limot ang lahat. Ngunit paano niya magagawa iyon gayung sa init na kanilang pinagsaluhan, may nabuong sanggol na mag-uugnay sa kanila ng lalaking bigla na lamang siyang iniwan sa ere at naglaho na parang bula? At sa di inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Yun nga lang, hindi siya nito kilala. Malamig at arogante ito makitungo sa kanya na parang hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal niya limang taon na ang nakararaan. Ayaw niya na sanang ipaalala ang masaya at mapusok na pinagsaluhan nila noon. Ayaw niya sanang umeksena sa buhay nito lalo pa't nalalapit na itong ikasal sa ibang babae. Kaso nang makita ni Conrad ang anak niya, di maipagkakaila na parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. At ang masaklap pa nito, ang bata mismo ang umamin sa lalaki. "You're my dad right? Mama has many photos of you together and told me a lot of stories about you!" Connor screamed in excitement. Napaawang si Conrad at di makapaniwala sa natuklasan! At nang magtama ang mata nila ng lalaki, alam ni Zele na ito na ang magiging simula ng kalbaryo niya.
Romance
1021.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Illicit Affairs Series 1: Professor Rex Montello

Illicit Affairs Series 1: Professor Rex Montello

WARNING❗READ AT YOUR OWN RISK❗ R-18❗ Rex Montello is one of the most successful bachelor in his generation, a Professor at one of the best Universities in Manila and the heir of Montello Incorporated. He is a playboy and he doesn't believe in love so when his father asked him to marry Shennun Levi, he easily obliged. The night he is going to meet his fiancé, he first went to a bar and looked for a girl to satisfy his sexual needs. Doon niya nakilala ang babaeng si Eliyah Cruz. Nagpakasal siya kay Shennun kahit na ang laging laman ng kanyang isipan at panaginip ay ang babaeng huli niyang nakaniig, si Eliyah. Ang akala niya ay makakalimutan niya rin ito ngunit nagkakamali siya, lalo pa nang malaman niyang ang babaeng laman ng kanyang isipan ay isa sa kanyang mga estudyante. Pinigilan niya ang kanyang sariling matukso sa taglay na kagandahan ni Eliyah, ngunit naputol ang matindi niyang pagpipigil nang makaramdam siya ng selos. At that moment, Rex is so ready to sacrifice everything he has for Eliyah. Handa siyang kalabanin ang kanyang pamilya pati na rin si Shennun maipaglaban lamang ang kanyang minamahal. But what if he finds out that what they have is just part of Eliyah's plan to get even with Shennun, her half-sister? Paano kung malaman ni Rex na hindi naman pala siya mahal ni Eliyah? Will he still fight for Eliyah? Or will he push her out of their lives? After engaging into an Illicit Affair.
Romance
1025.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
TWISTED

TWISTED

WARNING: IMPLICIT AND MATURED CONTENT. THIS STORY CONTAINS VIOLENCE/KIDNAPPING/FORCED/RAPED. YOU HAVE BEEN WARNED! Dahil sa utos ng ina ay napilitan siyang pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para makilala ang anak ng kababata nito. Sa edad na bente otso ay single parin ang dalaga na si Regina Santos. Hindi pa siya nagkakanobyo dahil mas gusto niya ang magkulong nalang sa loob ng kwarto at manood ng mga korean nobela kaysa ang makipag-date o makipaglandian sa mga lalaki. Kaya naman ang ina niya ay nababahala na baka hindi na siya makapag-asawa, kaya inutusan siya nito na pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para ireto sa anak ng kababata nito. Dahil sa hindi niya magawang suwayin ang ina ay sumunod siya sa utos nito. Dito na nga nagsimula ang lahat. Nakilala niya ang tatlong mayaman na binata na gugulo sa buhay niya. Matagpuan niya kaya ang tunay na pag ibig sa mga ito? O ito ang magiging dahilan ng pagkawasak niya?
Romance
9.419.0K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3839404142
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status