Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1030.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.3K viewsOngoing
Read
Add to library
 No Longer His Submissive Wife

No Longer His Submissive Wife

“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Romance
1042.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Abo ng Pagtataksil

Abo ng Pagtataksil

Sa kaarawan ng anak ko, ang asawa ko ay hiniling sa kanyang first love na sunduin ang anak namin sa bahay. Noong nagpupumilit akong tumanggi na payagan siyang umalis, nagkaroon ng malaking sunog sa hallway habang nag-aaway kami. Tinamaan ako ng mga bumabagsak na piraso ng nasusunog na kahoy, at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa ulo ko. Pero, ang anak ko ay ligtas habang nakahiga sa ilalim ko. Ang asawa ko, na bumbero, ay iniligtas kami. Pero ang binigyan niya ang nag-iisang gas mask sa kanyang first love. “Mahina ang pangangatawan ni Miss Leia. Ama, pakiusap ilabas mo muna siya. Ma, hintayin mo na iligtas ka ng ibang mga bumbero!” Pinanood ko silang umalis habang nakangiti ako ng ng mapait. Mukhang pareho na nilang nakalimutan na may matinding asthma ako at ang katotohanang mamamatay ako dahil wala akong gas mask.
Short Story · Romance
942 viewsCompleted
Read
Add to library
You Ruined My Life Mr. Velasco (BOOK 1)

You Ruined My Life Mr. Velasco (BOOK 1)

Na lugi ang kompanya nina Aaliyah kaya nagpag desisyonan ng kanyang ama na ipakasal siya sa anak ng kanyang business partner na si Alexander Velasco. Una hindi pumayag si Alexander na ipakasal siya kay Aaliyah dahil hindi niya mahal ito at may nobya siya na si Jennifer. Kalaunan na kombinsi din siya ng kanyang ama na pakasalan niya si Aaliyah. Sa araw mismo ng kasal nina Alexander and Aaliyah nagsimulang lumayo ni Alexander imbis na si Aaliyah ang kasama niya sa honeymoon nila pero si Jennifer ang isinama ni Alexander. Tumigil si Aaliyah sa trabaho niya dahil gusto ni Aaliyah na mahalin din siya ng kanyang asawa lahat ng bagay ginawa niya luto, laba, linis at iba pa. Pinagsilbihan niya ang kanyang asawa pati sa kama ngunit hindi na appreciate ni Alexander ang mga ginawa niya sa tingin ni Alexander pera lang ang habol ni Aaliyah sa kanya. Nakipagkita na si Aaliyah Kay Jennifer pinagbantaan niya ang babae na kapag hindi siya lalayo kay Alexander ipapakulong niya ito. Tumopad si Jennifer sa usapan nila na lalayo siya kay Alexander. Akala ni Aaliyah na maging masaya na silang dalawa ni Alexander at matutunan na siyang mahalin ng lalaki pero mali pala siya sa paglayo ni Jennifer nagsimula na siyang saktan ni Alexander. Tumigil lang ang pananakit ni Alexander sa kanya nang nagdalang tao si Aaliyah pero lumayo si Alexander sa kanya minsan lang umuwi si Alexander sa kanya. 4 months ang kanyang tiyan pumasok sa buhay nila si Genna ang kanyang step sister ito nanaman ang kalagoyo ni Alexander. Araw araw nagdusa si Aaliyah kaya napag desisyonan niyang umalis na lang at iwan si Alexander. May book 2 po ito
Romance
156 viewsOngoing
Read
Add to library
HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]

HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]

Pinakasalan ni Monica Aguilar ang young master nito para maisalba sa kahihiyan na nakaniig ang isang babaeng may asawa na pala! Mapapatino nga kaya ng inosenteng dalaga ang womanizer nitong asawa? Para tigilan na siya ng babae at ang asawa nito ay pinakasalan ni Aldrich Di Caprio ang kanyang Yaya na si Monica Aguilar na para na niyang nakababatang kapatid. Paano kung matapos na ang kontrata nila? Magagawa nga kayang pakawalan pa ni Aldrich ang asawa kung sa ilang buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa ay natutunan na niya itong, mahalin bilang kanyang ......asawa.
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Chosen for Pleasure (R18) Slave Market Series 1

Chosen for Pleasure (R18) Slave Market Series 1

Dahil ayaw maghirap ng Mama ni Noella ay kumapit ito sa patalim at siya ang ginamit nito upang hindi mawala ang kayamanang mas pinapahalagahan kaysa sa sariling anak. Ibenenta si Noella ng ina sa isang ilegal at malaking organisasyon na tinatawag na Slave Market, na ibinebenta ang mga babaeng kagaya niya sa mga hindi lang basta mayayaman kundi bilyonaryo na tumatangkilik sa organisasyon na iyon. Hindi alam ni Noella ang kahaharapin lalo pa at wala siyang alam sa kalakaran ng organisasyon na iyon subalit alam niyang may hindi mangyayari sa kaniya lalo pa ang bumili sa kaniya ay isang lalake na sa paningin niya malupit at hindi makakawala rito ng buhay. Si Diego Alejandro Betancourt na kasapi rin sa Mafia organization na humahawak sa slave market na kumuha kay Noella at pinili lang siya ng binata upang maging taga-init ng kama nito at gawin ang nais nito sa kaniya hangga't hindi siya nito pinagsasawaan. Ngunit nalaman ni Noella na hindi rin siya basta pakakawalan ni Diego sa oras na pagsawaan siya nito dahil para kay Diego lahat ng mga pinagsasawaan nitong pag-aari ay hindi na muling mapapakinabangan pa ng iba. Ano kaya ang mangyayari kay Noella sa oras na magsawa sa kaniya si Diego? Paano kapag nalaman niyang may mas malalim pang dahilan si Diego kung bakit ayaw siya nitong pakawalan basta at ang dahilan niyon ay kapalit ng buhay niya? Slave Market Series 1
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Miracle Twins(Tagalog)

Miracle Twins(Tagalog)

DEVAUX SERIES 1: The ruthless CEO second chance (Aiden Story) [COMPLETED] DEVAUX SERIES 2: (Keon Story) upcoming... DEVAUX SERIES 3: (Addison Story) upcoming... DEVAUX SERIES 4: (Allistair Story) upcoming... DEVAUX SERIES 5: (Allard Story) upcoming... Atasha Selry, isang wedding coordinator na matagal ng pinipilit ng kaniyang ina na magkaroon na ng asawa at mga anak but it is not her thing because she wanted to focus on her mom first until unexpectedly had happened. Nangyari ang isang gabi na magpapabago sa buhay niya sa piling ni Keiron Kent Devaux ang pinkang mayaman na tao sa mundo, a billionaire. Nagkaroon sila ng kambal na anak pero hindi ito alam ng lalaki hanggang sa muli silang magkita.
Romance
9.9613.2K viewsCompleted
Show Reviews (108)
Read
Add to library
B.NICOLAY/Ms.Ash
Hello Kimmie's! I'm Binibing Nicolay Kim/Ms.Ash, I'm really sorry if masyadong mataas ang coins but maximum kona po ang 2K word count but don't worry it depends on the scene, mahaba po kasi talaga ang story eh at asahan niyo na marami pang mangyayari so kapit lang okieee?! sigurado akong worth it!
velascohannahjean
para sakin lang ito okay na sana yung simula pero pagdating sa huli na sad ako ng husto. masyadong maraming pinag daanan si atasha at kent tapos ang ending namatay agad asawa niya, ang aga naging byudo ni kent. masyado malawak ang imahinasyon ni otor sana hindi nalang niya pinatay para happy ending.
Read All Reviews
Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Tahimik at maayos ang pamumuhay ni Viva Guardian at ng asawa niyang si Emmanuel. Pero nagising na lamang si Viva isang gabi na may hawak na kustilyo, puno iyon ng dugo. At wala nang buhay si Emmanuel. Si Viva ang itinuturo ng suspect sa pagkamatay ni Emmanuel. Nakulong siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nang magkaroon ng sunog sa Manila City Jail ay kinuha ni Viva ang pagkakataon na iyon para tumakas. Pero ang kalahati ng kanyang mukha ay nasunog. Ginamit niya ang mukha ng dating asawa ni Hendrix Lorenzo, ang witness, sa pagkamatay ni Emmanuel. At gagamitin rin ni Viva si Hendrix para alamin kung ano ang nangyari sa asawa niya at lilinisin ang pangalan niya.
Romance
385 viewsOngoing
Read
Add to library
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
7891011
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status