Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to the Runaway Bride

Married to the Runaway Bride

Umalis si Mikel upang makalimutan ang nobya na nanakit sa kan'ya. Nasira at nasaktan, susubukan niya na buuin muli ang buhay. Iniwan ni Tamara ang kan'yang pamilya dahil sa kapatid na nagbenta sa kan'ya sa isang matandang bilyonaryo na naghahanap ng babae na magsisilang sa kan'yang anak. Dismayado at luhaan, susubukan niya na ayusin ang buhay. Ang dalawang may tinatakasan ay hindi sinasadya na magkrus ang landas isang gabi. Kinabukasan, nagising sila na ikinasal na sila sa isa't isa. Pareho silang tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang nangyari noon nakaraang gabi ay nagpagulo lalo sa kanilang buhay. Mananatili kaya ang mga tumakas sa pangako ng kanilang kasal upang makadama ng tunay na pagmamahal? O pareho sila na makakahanap ng dahilan para takasan ang isa't isa?
Romance
1043.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
LIES: MY  BILLIONAIRE EX

LIES: MY BILLIONAIRE EX

PAMILYA, PAG-IBIG AT PANGAKO. ‘Yan ang mga dahilan kung bakit nasaktan nang lubusan si Rhian.  Nobyo n'ya ang bilyonaryong si Andrew Santillan Jackson. Galing sa mayamang angkan na pinangakuan s’ya ng kasal kung sakaling magbunga ang ginawa nilang pagtatalik kahit labag sa kanyang puso at isipan. Walang nagawa ang dalaga dahil lubos n'yang mahal ang nobyo n'ya—pero isang kamalian ang pagsugal n'ya ng pagkabirhen sa binata. Kahit ganoon pa man ay hindi gumawa ng hindi maganda si Rhian na magpapahamak sa kan'yang munting anghel. Ipinangako n'ya sa sarili na kahit anong mangyari ay bubuhayin n'ya ang kan'yang magiging anak. 'Pangako ko sa iyo anak, kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ko, hinding-hindi kita ipapalaglag salungat sa gusto ng iyong amang taksil sa ating dalawa lalo na sa iyo.'
Romance
1037.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO

Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO

Si Viania Harper ay may lihim na relasyon sa isang CEO kung saan siya nagtatrabaho. Noong una, tinanggap niya ang gusto ni Sean Reviano na siyang CEO ng kompaniyang pinagtatrabahuan niya ngunit lahat ay nagbago nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na naging sanhi ng pagkasira ng kanilang relasyon. Si Sean ay isang CEO ng Luna Star Hotel, isa s’ya sa pinakasikat na bilyonaryo hindi lamang sa Amerika kung ‘di sa Europa at Asya. Sa bawat pakikipagrelasyon niya ay laging may tatlong alituntunin. No commitment. No pregnancy. No wedding. Subalit nang dumating si Viania sa kan’yang buhay ay nagbago ang lahat.
Romance
1037.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
DANGEROUSLY YOURS (EL FRIO QUADRO)

DANGEROUSLY YOURS (EL FRIO QUADRO)

Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated. Betrayal of any one of those is to lose all three. Betrayal annihilates trust. Trust no one! Ito ang kinalakhan n'yang paniniwala dahil sa mapanganib na mundo na mayroon ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung sa isang iglap ay nasira n'ya ang paniniwalang ito dahil sa isang lalaki na s'yang unang nagpatibok ng kan'yang puso at pinagkatiwalaan n'ya. At paano kung ang kauna-unahang tao na pinagkatiwalaan n'ya ay lolokohin lang pala at tatraidorin s'ya? Saan s'ya dadalhin ng sakit na dulot ng pagtraidor nito sa kan'ya?
Romance
1030.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
Romance
9.238.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?
Romance
9.938.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1028.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
NOTORIOUS

NOTORIOUS

Assassin code: Exposing yourself means death. Well known for being a killer. A killer who killed by order. An order to be executed quickly. But, what if the order is a trap? A trap to execute the notorious assassin from being exposed to the enemies. Code Zyrex and Agent Xero are two different people from different sides, both skilled in their field. An assassin and a detective on the same mission. A mission to kill and to capture. What if during their mission, they meet the spectacular beggar? Pasens’ya na spectacular daw talaga siya. Meet Reyna Anastacia Goldenhand, kung gaano kaganda ang pangalan niya, ganoon naman kapangit ang pamumuhay niya. Isang pulubi na laging problema ang pagkain sa araw-araw, nakatira sa isang improvised tent, sako na bubungan at karton na higaan. Tulad ng kan’yang pangalan, siya ang reyna ng lansangan at tulad ng kan’yang apelyido, ginagamit niya ang bilis ng kamay upang mabuhay. Paano kung malagay siya sa isang sitwasyon na hindi lang pagkain ang problema niya? Isang problema na sangkot ang dalawa at nadamay lang talaga siya. “Kapag namatay ako na kumakalam ang sikmura... hihilahin ko kayo sa impyerno!” Reyna Anastacia Goldenhand.
Mystery/Thriller
1029.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Affinity Romance with the Billionaire

My Affinity Romance with the Billionaire

Simpleng babae na may mataas na ambisyon, ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. Para kay Charline Jaya, edukasyon ang maghahatid sa kan'ya sa tagumpay upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Subalit napilitan s'yang magbenta ng katawan upang magkaroon ng pangtustos sa pag-aaral. Alexander Vergara, isang gwapong bilyonaryo na kilala sa pagiging playboy. Paano magiging malalim ang kaugnayan nila sa isa't isa? At bakit ba tila pinaglalaruan sila ng tadhana? Dahil makalipas ang ilang taon ay muli silang pinagtagpo. Ngunit sa maling panahon at pagkakataon. Kung kelan handa nang talikuran ni Charline ang kahapon at yakapin ang bukas na kapiling ang lalakeng nagmahal at tinanggap ang buo n'yang pagkatao.
Romance
1031.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1213141516
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status