The Chosen One
Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?