Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Every Second Count

Every Second Count

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Fantasy
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Romance
9.8595.7K viewsCompleted
Read
Add to library
CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

Pagkalipas ng tatlong taon ay nagbalik siya, at narinig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol sa dovorce. Wala siyang sinabi kahit na matapos niyang makuha ang aking pagkabirhen bago siya umalis. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa para sa kanya, pero gusto niya pa rin akong hiwalayan. Hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil inakala kong naging tapat ako sa kanya habang siya naman ay nagpakasaya kasama ang kanyang kalaguyo. Ngunit nagawa pa niyang magreklamo na parang ako ang sumakal sa kanya. Galit na galit ako. Sisiguraduhin kong mahihirapan sila ng kanyang kalaguyo na makumbinsi ako sa diborsyo. Pero bakit parang iba ang ikinikilos niya? Bakit nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing magkakadikit kami?
Romance
1032.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Niligatas Ng Aking Fiance Ang Kaniyang Dream Girl

Niligatas Ng Aking Fiance Ang Kaniyang Dream Girl

Isang puwesto na lang ang natira sa lifeboat nang lumubog ang yate, ako ang pinili ni Hendrix Zuckerman. Nailigtas ako, pero hindi ko kasing palad si Yana Bridgeton. Hindi na niya nahintay ang ikalawang lifeboat nang malunod siya sa karagatan, tuluyan na ring nawala ang kaniyang katawan. Nagkunwari si Hendrix na wala siyang pakialam habang ipinagpapatuloy niya ang aming kasal nang naaayon sa aming plano. Sa limang taon naming pagsasama pagkatapos naming ikasal, inginudngod niya ako sa dumi habang sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Yana. At nang manghingi ako ng divorde dahil hindi ko na ito kaya pang tiisin, napagdesisyunan niyang mamatay kasama ko. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, bumalik ako sa araw kung kailan nangyari ang aksidente sa yate. Pero sa pagkakataong ito, napagdesisyunan ko na bigyan ng tiyansang mabuhay ang taong pinakamamahal niya.
Short Story · Rebirth
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire

ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire

Alejandro Brothers Series #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire Ako si Lileanne Monteverde, and I pretend to be my stepsister Marga to marry the billionaire. Ginawa ko ito hindi dahil gusto kong agawin ang buhay niya, kundi dahil kailangan ko ng pera para sa tuition fee ko. Wala na akong ama, at hindi man lang ako binigyan ng parte sa naiwan niyang ari-arian. Kaya kahit labag sa loob ko, tinanggap ko ang alok ni Marga kapalit ng malaking halaga — isang kasunduang magpanggap ako bilang siya, upang makilala ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Until I slowly fall in love with the billionaire, Ziven Alejandro... Hindi ko inakalang sa likod ng pangalan, yaman, at seryosong tindig ay may lalaking marunong makinig, umunawa, at magpahalaga. Mas lalo akong nalito nang maramdaman kong masarap palang mahalin — kahit alam kong hindi ako dapat masangkot. Paano kung ang puso ko’y pumili sa gitna ng kasinungalingan? At kung malalaman ni Ziven Ang katutuhanan, na nagpapanggap lang ako? Tatanggapin at mamahalin niya pa rin ba ako?
Romance
10819 viewsOngoing
Read
Add to library
ACCIDENTALLY GOT PREGNANT BY THE MAFIA LORD

ACCIDENTALLY GOT PREGNANT BY THE MAFIA LORD

Naalimpungatan ako dahil, sa sinag ng araw na tumatama sa muka. "Shit!" Mura ko dahil pakiramdam ko parang binugbog ang katawan ko sa sobrang sakit. Tamang babangon ako ng ma pansin Ko na hindi ko ito kwarto. Bumaba ang tingin ko sa katawan Ko na hubad at tanging kumot lang ang naka takip. "Mygod my virginity." naiiyak na bulong ko sa sarili ko. "Bwiset sino to?" Naguguluhang tanong ko sa katabi Ko na mahimbing na natutulog Kita sa muka nito na gwapo siya kahit pa nakapikit siya. Paika ika akong tumayo at sinuot ang puting polo niya. Wala ko sa sariling lumabas ng condo at deretsyong lumabas ng entrance para makasakay pauwi. Nandidiri ako sa sarili ko ibinigay ko ang pinakainingatan ko sa lalaking hindi ko naman kilala. Hanggang sa maka uwi ako ng condo ko wala parin ako sa sarili. Pumunta ako ang banyo at nanghihinang binuksan ang shower. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko wala na naisuko kona pano Kong mag bunga yon anong gagawin ko? Kasalanan to ng demonyo kong ex at kaibigan ko. Kong Hindi nila ko niloko Hindi hahantong sa ganto na makakarating ako ng bar at ma isusuko ang pinaka iingatan ko sa hindi ko kilala. Sobra ang ginawa Kong pag hilod sa katawan ko dahil sa pandidiring nararamdaman ko Natigilan ako ng maalala ang isang bagay. Pano Kong mag bunga ang gabing isang pagkakamali lang naman?
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Unfortunate Hookups and Romance

Unfortunate Hookups and Romance

Si Xerxes Santillan III o mas kilala bilang Tres ay isang magaling na CEO sa mismong family business nila. Kilala ang kanilang kompaniya sa bansa at halos lahat sa kaniya ay perpekto. Mabait, guwapo at supportive. Maliban do'n, maganda ang kaniyang buhay, at may maganda ring singer na girlfriend. Ngunit sa kabila ng perpekto niyang buhay ay hindi pa rin niya mapapayag ang babaeng minamahal sa isang kasal. Parati na lang siyang naghihintay at sumusuporta sa mga pangarap nito. "Babe, please give me one more chance. I'll make sure na after nitong crusade performance ko sa Italy, ay magpapakasal na tayo." sabi nito sa kaniya sa ika-apat na proposal niya kay Lian. Tinakbuhan lang naman siya nito at walang sabi na umalis patungong airport. "Pero ang sabi mo, after ng concert mo sa Paris ay sasagutin mo na ako." giit niya, pero hindi niya pinaalam na galit siya at dismayado. "I'm sorry, babe. Babawi ako sa'yo after, okay?" Kung kailan nakahanda na ang lahat ay saka naman ito aalis bigla. Mahal niya ito, kaya kahit anong pilit niya, kung mahal din nito ang pangarap nito, ay wala siyang ibang magagawa kundi ang mahalin rin ang pangarap nito. Sa kaparehong araw, namamalayan na lang ni Travis na kasal na siya at nagising sa isang kama na may kayakapan na ibang babae at walang saplot. Ano kaya ang magiging love story ni Travis, gayo'ng nagtaksil na siya sa kaniyang nobya?
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
ALTERS [Book 2]

ALTERS [Book 2]

“Sampalin mo ako ng kasinungalingan Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre. Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita. Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik. Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga… Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya? Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”
Romance
858 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to a Handsome CEO

Married to a Handsome CEO

Lavenderous
Ikinasal ako sa isang lalaking hindi ko naman gusto at ka close. Yes! School mate ko siya before at hinding-hindi ko siya gusto! Wala naman akong magawa dahil kailangan ito para maisalba ang kompanya ni Grandpa. Ngunit, pagtapos ng maraming pagsubok sa relasyon naming dalawa ay nahulog siya sa akin at umaming ako ang gusto niya. Paano nga ba nangyari iyon!? E mahal na mahal niya ang girlfriend niya at galit na galit siya sa akin noon dahil ikinasal ako sa kanya at ang girlfriend niya ang gusto niyang pakasalan. Teka, kasalanan ko ba iyon!? Pero, nang mahulog din ako sa kanya, hahayaan ko ba ang puso kong ito na tumibok sa kanya? Lalo na at sa utak ko, ang tanging gusto ko lang ay ang childhood friend ko. Sasaluin niya pa kaya ako?
Romance
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

Handa akong tumakbo sa kahit saan maitago ko lamang ang katotohanan na nagkaanak ako at ang ama ay walang iba kundi ang boss ko. Ginawa ko ang lahat maitago lamang ang anak ko sa mga katrabaho ko hanggang sa manganak ako. Nagresign ako sa trabaho upang maalagaan ang anak ko at nang makalaki na ito ay agad akong nag-aplay ng trabaho. Sinong mag-aakala na babalik din pala ako kung saan ako nagsimula at muli kaming magkita. Umakto ako na paranng hindi kami magkakilala noon at nanatiling nakadistansiya rito. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko? Handa ba akong lunukin ang takot ko para ipagtapat ang katotohanan? O Magpapadaig na lamang ako sa takot ko at hahayaan na ang tadhana na lamang ang magdikta ng aming kapalaran? Paano kung dumating ang araw na kailanagan ko ng tulong sa ama ng anak ko upang maisalba ang buhay nito. Handa ko bang guluhin ang tahimik nitong buhay kasama ang bago nitong minahal at magulo ang tahimik na buhay na nais ko para sa anak.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status