تصفية بواسطة
تحديث الحالة
الجميعمستمرمكتمل
فرز
الجميعشائعتوصيةمعدلاتتحديث
Collateral To The Ruthless Billionaire

Collateral To The Ruthless Billionaire

Ang kanyang pamilya ang gusto niyang makuha. Ang kanyang kalayaan ang hiniling niyang kapalit. Itinayo ni Irish Wei ang kanyang pangalan bilang ang pinakakinikilalang art curator sa lungsod—isang babaeng may dangal sa mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan ng mga dinastiyang negosyante. Ngunit nang gumuho ang imperyo ng kanyang pamilya dahil sa utang at pagkakanulo, siya ang naging huling collateral na gustong angkinin ng isang walang awang bilyonaryo. Hindi naghari si Kendrick Reyes sa pamamagitan ng pagiging mabait. Matagal nang hinintay ng negosyanteng ito ang pagbagsak ng pamilya Wei. Subalit nang makaharap niya si Irish—mayabang, matapang, handang ipagpalit ang sarili para sa kaligtasan ng kanyang pamilya—binago niya ang kasunduan. Isang taon. Ang kanyang buhay, kanyang pagsunod, ang kanyang lubos na pagpapasakop. Kapalit nito, ang kanyang ama ay makalalaya at mananatiling buo ang kanilang pangalan. Maninirahan siya sa mundo ng mga nakakulong na penthouse sa Gangnam, dadalo sa mga eksklusibong gala, at magiging tropeo sa harap ng mga piling tao ng lungsod. Nakakulong sa isang ginintuang hawla, inaasahan ni Irish ang kalupitan. Ang hindi niya inaasahan ay ang lalaking puno ng kontradiksyon—isa na magbabantay sa kanya nang may bangis na magpapalabo sa linya ng kanyang pagkabihag at pagiging protektado. Ngunit ang imperyo ni Kendrick ay itinayo sa mga lihim, at ang katotohanang taglay ni Irish ay maaaring siyang tanging bagay na hindi kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan. Sa larong puno ng yaman at pagnanasa, ang pinakamapanganib na pusta ay hindi ang pagkawala ng kanyang kalayaan. Ito ay ang pagkawala ng kanyang puso sa lalaking nagnakaw nito.
Romance
128 وجهات النظرمكتمل
قراءة
أضف إلى المكتبة
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.924.9K وجهات النظرمكتمل
قراءة
أضف إلى المكتبة
TEMPTED BY THE BILLIONAIRE'S SPOTLIGHT

TEMPTED BY THE BILLIONAIRE'S SPOTLIGHT

Paano kung ang kaligtasan ng iyong pamilya ay nakasalalay sa isang kasunduang hindi mo kailanman ginusto? Si Luna Evangeline DeLacroix, ay isang simpleng babae na baon sa utang at desperadong maghanap ng paraan upang mailigtas ang kanyang pamilya na nabaon sa utang. Isa siyang magaling na mananayaw ngunit hindi siya sikat, iilan lamang ang nakaka kilala sa kanya bilang isang magaling na mananayaw. Sa gitna ng kanyang kawalan ng pag-asa, dumating ang isang alok mula sa isang lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay—isang bilyonaryong aktor at mang-aawit na laging nasa ilalim ng Isang kontrata. Isang pangalan sa kanyang tabi. Isang buhay sa harap ng mga camera. Ngunit paano kung ang mundong pinasok niya para sa pera ay maging kulungan ng kanyang puso? Paano kung ang pekeng pagmamahal na itinanghal sa harap ng publiko ay maging totoo sa likod ng mga ilaw? At paano kung ang spotlight na minsang kinatakutan niya ang siya ring maging dahilan ng pinakamalaking sakit sa kanyang buhay? Sa isang mundong puno ng kasikatan, tsismis, at kapangyarihan ng pera— hanggang saan niya kayang isakripisyo ang sarili para sa mga taong mahal niya? At kapag dumating ang panahong kailangan niyang pumili…..... pera ba o pagmamahal? kalayaan ba o ang lalaking nasa ilalim ng spotlight? She was tempted not by love… but by the price he offered for her freedom.
Romance
77 وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
22.0K وجهات النظرمكتمل
قراءة
أضف إلى المكتبة
Seducing the Blind Billionaire

Seducing the Blind Billionaire

Isang kalapating mababa ang lipad, yan ang madalas na tawag sa mga tulad ni Juliana. Kahit anong pagtatama niya sa perception ng tao sa uri ng trabaho niya mababang uri pa rin ang tingin sa kanya. Pero ang pinakamasakit para kay Juliana ay ang ultimo taong mahal niya ay ganun din ng tingin sa kanya at mas malala pa kahit pa nga alam nito ang nature ng trabaho niya.Kaya lihim na pinangarap ni Juliana ang makalayo sa lugar at makahanap ng bagong buhay. Pero paano kung sa isang taong may mapansanan niya mahanap ang liwanag at tamang pagmamahal na inaasam? Magagawa kaya siyang mahalin ng lalaki sa kabila ng katotohan ng kanyang pagkatao
Romance
9.717.2K وجهات النظرمكتمل
قراءة
أضف إلى المكتبة
Ang Lihim ni Anastasia

Ang Lihim ni Anastasia

Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa?  Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis.  Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito?  Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito?  May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia. 
Romance
1047.9K وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
Romance
1.4K وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
The Billionaire's Major Engagement

The Billionaire's Major Engagement

Nuebetres
Hindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang magiging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy ng abogado sa binabasa nitong kontrata. Two years from now? So Ibig sabihin kapag tumuntong siya ng disi-otso! Kapag tumutol siya makukulong ang ama niya ng habambuhay! No hindi siya papayag na makulong ang ama, ito nalang ang natitira niyang karamay. Saan sila kukuha ng ganoong kalaking pera upang mabayaran ang lalaki? Kung anuman ang dahilan kung bakit nagawa ng ama niya ng ganun hindi niya kailanman kamumuhian ito. Kahit disi-sais anyos palang siya hindi niya mapigilang humanga sa angking kagwapuhan ng binata. But the man is cruel. Nakukuha lahat ang gusto nito. A rich and powerful man Rafael Iñego Delgado IV. Natatakot siya kapag sumapit na ang takdang paniningil nito.
Romance
1.5K وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
The Billionaire's Impostor Bride

The Billionaire's Impostor Bride

Nang mamatay ang kanilang ina noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay nagmistulang ulila si Sierra at tila itinakwil na ng kanyang ama, sinisisi siya nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Kahit na ganoon ang trato sa kanya ng kanyang ama ay walang namuong sama ng loob sa kanyang puso at sa halip ay inisip na totoo ang sinusumbat nito at tinanggap iyon. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng kahit kaunting pansin at pagkalinga ng kanyang ama ay sinusunod niya ang lahat ng mga utos nito kahit na labag sa kanyang kalooban. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kalooban nang hilingin ng kanyang ama na palitan ang kanyang kapatid at magpanggap na siya si Noemi Sienna sa araw ng kasal nito sa isang bilyonaryong bulag. Hanggang sa kasalan lamang ba magtatapos ang lahat? Ano ang mararamdaman ng lalaking ikakasal kapag nalaman nitong ibang babae pala ang kanyang napakasalan?
Romance
9.97.6K وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
Romance
10447 وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
السابق
1
...
4142434445
...
50
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status