Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy
Naiwan si Senna na mag-isang lumalaban para sa apat na taong gulang na anak niyang si Ashley na may leukemia, matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Mavix at ng matalik niyang kaibigan na si Natalia. Ngunit lalo pang nadurog ang puso niya nang malaman niyang hindi pala tunay na ama ni Ashley si Mavix.
Nabaon sa utang si Senna nang mapilitan siyang umutang ng isang milyon sa loan shark para lang mabayaran ang hospital bill ng anak niya. At kinabukasan, bigla naman siyang tinanggal sa trabaho.
Sa desperasyon at takot na hindi mabayaran ang utang at mapagamot si Ashley, napilitan siyang tanggapin ang trabaho bilang assistant ng malamig, dominante, at bilyonaryong CEO ng Ellington Biopharm Corporation—si Lucien Ellington. Isang lalaking kinatatakutan ng lahat at literal na allergic sa bata.
Sa loob ng sampung taon, walang gamot ang nakapagpagaling sa rare condition niya kahit pa kumuha siya ng pinakamahusay na scientists at sariling research team.
Ngunit isang araw, si Ashley ang biglang lumapit sa kanya… at sa unang pagkakataon, hindi siya inatake ng allergy.
Doon niya naalala ang teorya ng scientist niya noon—na kung may batang hindi magti-trigger ng allergy niya, posible raw na may malalim itong koneksyon sa kanya.
Dahil doon, pinaimbestigahan niya si Ashley.
Nang malaman niyang minsan na pala niyang nakasama ang ina ng bata sa isang one night stand, agad niya itong pina-DNA test at nag-positive ang result.
“Billionaire Daddy, please marry my mommy before I die,” inosenteng sabi ng bata.
Tumango si Lucien at humarap kay Senna.
“Senna, let's get married. I’ll make sure Ashley gets treated by the best doctors I know. And if you give me another child… half of the Ellington family’s assets will be yours.”