Sinful Secrets of the Billionaire
Napilitan si Amélie na bumalik ng Pilipinas nang mabalitaan niyang ikakasal na ang kanyang kapatid. Laking gulat niya dahil ni minsan ay hindi nabanggit nito na may fiancé na pala.
Naghanda siya para sa araw ng kanilang pagkikita, ngunit tila nabura ang lahat ng ingay sa paligid nang makita kung sino ang lalaki. Si Riguel Morel, isang kilalang multi-billionaire. Tall, dangerously charming, almost flawless, and most of all, the man she once loved but chose to leave behind in pursuit of her dreams abroad.
Para sa kapakanan ng kapatid, pinilit ni Amélie na magpanggap na tila wala silang nakaraan. Ngunit hanggang kailan niya mapapanindigan iyon kung sa tuwing wala ang kapatid niya ay mas lalo namang nagiging mapanganib ang bawat paglapit at tingin ni Riguel sa kanya?