Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

Sa loob ng tatlong taon, iniwan ni Karylle Granle ang lahat—karera, pangarap, at kalayaan—para maging ulirang asawa ni Harold Sanbuelgo. Ngunit nang magising ang pinsan niyang minsan nang inagaw ang puso ni Harold, bumagsak ang mundo ni Karylle. Sa harap ng isang divorce agreement, pilit siyang pinipirmahan ni Harold, tinatanggal ang lahat ng dignidad at pagmamahal na minsan niyang inialay. Ngunit sa halip na magpakaapi, pinili ni Karylle na maging malaya. Binitawan niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Harold para magsimula muli.
Romance
8.8186.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Fake Nerd Girlfriend

My Fake Nerd Girlfriend

Blessie ay isang Nerd na sekretarya ni Marius. Ayaw na ayaw ni Marius kay Blessie na maging sekretarya niya. Kaya ginawa ang lahat para umalis si Blessie bilang sekretarya niya. Hanggang sa nagkamabutihan sina Blessie at Luis. Pinsan ni Marius si Luis. Nag iba bigla ang naramdaman ni Marius. Pag ibig na kaya ang nararamdaman ni Marius kay Blessie? Importante ba ang pisikal na magandng mukha ng isang tao para mahalin?
Romance
1012.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
Romance
9.630.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Claiming His Woman

Claiming His Woman

"Hahanapin kita Laura." Matapos makatakas ni Laura sa kumidnap sa kaniya sa tulong ni Erwan, ay umaas at naghintay si Laura na muli silang magkikita at tutuparin ni Erwan ang pangako sa kaniya na hahanapin. Ngunit sampung taon na ang lumipas walang Erwan na nagpakita. Kung kailan tanggap na ni Laura na hindi na talaga mangyayari ang pangako ni Erwan ay saka naman pagtatagpuin ang landas nila sa isang hindi inaasahan na pangyayari. Dahil sa pa-challege ng kaibigan ni Laura ay makikita niya ang taong matagal na niyang inaasam na makita si Erwan. Ngunit nag-iba na, parang hindi na kilala ni Laura yung dating binatilyong tumulong sa kaniya. Isa na siya ngayong Mafia boss, bastos at masama ang ugali.
Romance
77 viewsOngoing
Read
Add to library
Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

Si Natasia Villa Fuentes ay ang sekretarya ni André Salvatoré, isang kilalang negosyante. Mahigit tatlong taon na siyang nagtatrabaho para kay André, kahit puno ito ng kayabangan. Isang gabi, hindi inaasahan ni Natasia na magkakaroon sila ng one-night stand. Isinikreto lang ni Natasia ang nangyari sa kanila dahil alam niyang delikado ang lalaki para sa kaniya at maaari siya nitong ipapatay. Unexpectedly, the CEO offers her a contract marriage! Ano ang magiging papel ni Natasia sa buhay ni André, lalo na't alam niyang hindi siya mahal nito? May pag-asa pa kaya na mapaamo niya ang nagyeyelong puso ni André?
Romance
10617 viewsOngoing
Read
Add to library
Mrs Alvarez

Mrs Alvarez

Dala ng kapusukan at kabataan ni Hainna Dela Serna ay nagawa n'yang pikutin si Shawn Alvarez. Ang kilalang bad boy sa bayan ng San Miguel. Nakuha ni Hainna ang kasal na pinapangarap ng lahat. Engrande at masasabing hindi nalalayo sa bonggang kasal ng mga nakikita sa telebisyon. Ngunit nakuha din ni Hainna ang matinding galit ni Shawn. Tila ba s'ya na ang pinakamasamang babaing nakilala ni Shawn. Handa n'yang tiisin ang lahat basta makuha lang ang pagmamahal ni Shawn. Sa unang gabi ni Hainna bilang Mrs. Shawn Alexis Alvarez ay pinaalis s'ya ni Shawn ng bansa. Pinatapon s'ya nito sa Canada. Makalipas ang tatlong taon bumalik si Hainna ng bansa. Umuwi s'ya ng San Miguel sa bahay mismo ni Shawn Alvarez sa asawa n'ya. At sa pagkakataong ito mananatili s'ya sa San Miguel. At gagawin lahat para lang hindi na s'ya ipatapon pa ng asawa sa ibang bansa, o kahit sa labas ng San Miguel, handa n'yang ibigay at gawin ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ng asswa at manatili s'yang Mrs. Alvarez.
Romance
1018.2K viewsCompleted
Read
Add to library
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Love beyond the gilded cage

Love beyond the gilded cage

Inosente at bata pa ang puso ni Solana nang mahulog siya kay Edward. Dahil dito ay pumayag siya na maikasal habang si Edward naman ay pumayag para sa kompanyang mamanahin. Ngunit sa limang taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Solana ang pagmamahal ng kanyang asawa. Mararanasan pa kaya ni Solana ang tunay na pag-ibig?
Romance
10751 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex And our secret twins

My Billionaire Ex And our secret twins

Limang taon na ang lumipas nang durugin ni Elly Panganiban ang puso ni Carl Montesantos at lisanin ang billionaire world nito. Ginawa niya ito upang protektahan si Carl, kapalit ng isang lihim: ang kanilang kambal na anak, sina Liam at Lia—ang lihim na bunga ng pag-ibig na kailangan niyang itanggi. Ngayon, napilitan si Elly na magtrabaho sa Montesantos Holdings, ang imperyo ng kanyang Billionaire Ex na si Carl. Ang pag-ibig ay napalitan ng matinding pagkamuhi at paghihiganti. Araw-araw, sinisiguro ni Carl na maramdaman ni Elly ang pait ng pag-iwan, tinatawag siyang "walang-kwenta" at "basura" sa trabaho. Mas lumala ang sitwasyon sa presensya ni Sharon Montemayor, ang fiancée ni Carl, at ni Theo Ramos, na nagpaalab ng selos sa Bilyonaryo. Sa gitna ng tensyon, nagbigay ng walang-awang kasinungalingan si Elly: "patay na" ang ama ng kambal. Ngunit ang lahat ng galit at paghihiganti ni Carl ay guguho sa isang iglap! Sa Lobby ng kumpanya, nakita ni Carl ang kanyang anak na si Liam. Ang bata, na eksaktong kopya niya at may matatalim na asul na mata, ay sumigaw ng katotohanan: Siya ang ama! Hindi siya namatay! Dinoble ang kanyang pamilya! Ang mga mata ni Carl ay biglang nagbago, mula sa poot tungo sa pag-angkin at walang-sawang possessiveness! Simula na ng giyera! Paano itatago ni Elly ang lihim kung ang Bilyonaryong Ex, na ngayo'y nag-aapoy sa galit, ay handa nang angkinin ang kanyang dugo at lahi?!
Romance
441 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Fate : The Voice of Love

Billionaire's Fate : The Voice of Love

Maling kwarto ang napasukan ni Gwen Sison. Kung saan ay naroroon si Seth Montealto, na humihingi ng saklolo para sa nararamdaman niyang buong init sa katawan. Dahil sa sugat na natamo ni Gwen sa kaniyang paa. Hindi inaasahan na matumba na lamang siya sa tabi ni Seth Montealto sa ibabaw ng kama. Nagulat na lamang si Gwen sa pagyakap ng lalaki sa kaniya. Akmang aalis na sana siya. Ngunit, bigla siyang nahawaan ni Seth. Kaya naman, nagkaroon din nang pang-iinit sa buong katawan ni Gwen. Kinaumagahan, nadatnan sila ng fiancee ni Seth na si Stella Guades na magkasama sa kama. Sa galit nito. Mahigpit niyang sinabunutan si Gwen. Walang magawa si Seth. Dahil, siya rin ay nagulat sa nangyari. Hanggang sa binitbit ni Stella si Gwen papalabas ng kwarto at ipinahiya ito sa lahat. 
Romance
9.82.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
678910
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status